Chapter 14 : HE WILL WAIT?

26 1 0
                                    

--Tony's Viewpoint a.k.a. Real Tony--

Calling: Jess...

"Hello... How's your day?" inunahan ko na sya ng hello.

[Oh... Wow! Your asking me how's my day? Well Tony it's just 8 in the morning and I can't get out of our house 'cause it's about to rain. I'm alone and--]

"You miss me? Kaya ka ba napatawag?" pero buti tumawag ka...naunahan mo lang ako.

[Hey don't be too full of yourself...hmmm... So how about you Anthony how's your day?]

"Jessica!"

[Yes? How's your day nga?]

"Beautiful! My Day is beautiful...nice...thoughtful...intelligent..."

[Good for you... Wait what? Thoughtful? Intelligent? Bakit naman nasali 'yon?]

"Because my Jessica Day is all of those and more." hindi ko mapigilan ang ngumiti.

[Hahaha... Ano? Hahahahah...]

"Oh... Ba't ka tumatawa? Seryoso ako. You always make my day... no actually you are my 'Day'." tumatawa parin sya sa background.

[Haha... Okay... Seryoso na... Pfffttt... Na bobored kasi ako dito sa bahay. Ako lang mag-isa, kahit may mga katulong hindi ko naman sila makausap kasi busy din sila. Si Sam naman hindi macontact--]

"Punta ka dito..." putol ko sa kanya.

[Ha? Saan?]

"Dito... Sa condo ko."

[B-bakit sa condo mo? Sa iba nalang. Theme park! Oo tama doon nalang tayo pumunta.]

"Oh, bakit ka nauutal dyan? Diba nga uulan, kaya hindi tayo pwedeng mag-theme park."

[Ah...ehh... Basta 'wag sa condo mo. Sa iba na lang please.]

Ano bang iniisip nya?

"Bakit? Ayaw mo bang makita ang bagong condo ko? Dumating na ang mga gamit na pinili mo. I want to hear your suggestion kung maganda ba ang pagkakaayos dito."

[Ah...pero...]

"No buts okay, susunduin kita sa labas ng village nyo."

[Ha... Hwag na. Magpapahatid na lang ako sa coffee shop malapit sa condo mo. Puntahan mo na lang ako don. Alam mo naman 'yon diba?]

"O-okay..." bakit ba ayaw nya akong pumunta sa kanila?

[Okay, meet you there. Bye.]

**Toot-toot-toot

Nagmamadali ata sya? Excited atang pumunta dito. Alam nya kung saan ang condo ko pero hindi pa sya nakakapasok sa loob. Ngayon ko lang kasi napaayos ang mga gamit.

Okay... luto na ang pan cakes. Orange juice, check. Dessert? Kailangan pa ba ng dessert sa breakfast? Well I think she would love black forest cake kasi I saw her drinking chocolate drink.

Ang konti lang pala ng alam ko sa kanya. Got to know more about my girl.

I set aside everything I've prepared. Susunduin ko muna sya.

Nakarating na ako sa coffee shop na sinabi nya. Naupo ako sa bakanteng lamesa sa labas nito upang makita ko agad sya.

Hinihintay ko sya habang umiinom ng cape. Makalipas ang ilang minuto, may kulay itim na SUV ang huminto sa tapat ng coffee shop. Humarang ito sa view ng daan kung saan inaabangan ko si Jess.

Naman oh... baka dumaan na si Jess at hindi ko makita. Frustrated akong lumilingon sa paligid sakaling makita ko sya.

Bumukas ang likuran bahagi ng SUV. Lumabas mula doon ang isang babae, hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa gawi ko.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon