Chapter 3: TALK TO THE DEAN

118 2 0
                                    

Hindi malaman ni Jess kung ano ang binablak ng kaibigan. Napatingin sya dito nang may inilabas itong tila booklet mula sa bag nya.

May logo sa cover nito na tila pamilyar sa kanya. Bigla syang may naalala.

"Ah! rule book ba yan ng Brentford?"

Nagulat si Sam ng bilang magsalita si Jess.

"Ha!? Ah oo. Kasi pupunta tayo ngayon sa Brentford mag-eenroll ako."

Naglalakad silang dalwa ngayon papuntang Brentford, medyo malapit lang kasi ito sa mall, 10 mins walk lang.

"Paano ka nga pala nakakuha ng booklet na yan, eh hindi ka pa pala nakapagpa-enroll?"

"Ha!? ehh..nakuha ko ito doon sa mga kumag na nakalaban natin kanina." sagot nya kay Jess nang hindi ito tinitignan, seryoso paring binabasa ang rule book.

"ANO!? ang ibig mong sabihin ninakawan mo ang mga mukhang hoodlum na yon."o_O

"Oo." simpleng sagot ni Sam na tila hindi nag-aalala. "Mukhang hindi naman ata nila ito kailan eh at saka imposibleng sa Brentford sila nag-aaral, mukha silang out of school youth."

**********

Note: Viewpoint muna tayo ngayon. Balikan natin ang nangyari kanina sa fast food.

Ahh...eh ano nga ba yong nangyari kanina. Pati ako naguluhan. -__-

--Sam's Viewpoint--15 mins ago--

"Anong sinasabi--" biglang natigil si Tony nang may dumaan papuntang counter at sumapaw...

"OO NGA MISS, SUMAMA KA NA!" sigaw ng isang mukhang goon. Hindi naman sya mukhang nakakatakot, actually medyo may itsura sya kaya lang kung manamit parang kontrabida sa isang action film. Isa lang ang naaalala ko sa kanya si Paquito Diaz.

"Eeeyyyy! HAHAHAH!" nagtawanan naman yong mga kasama nya.

Nasa anim yata sila plus yong isa na nasa gilid lang at parang bored na at tahimik lang na nakitingin kung saan, tila napilit lang na sumama. So bale pito silang lahat.

"Pero mas mag-eenjoy ka kung sa amin ka sasama. HAHAHAH! sumabat yong isa pa sa kanila, nag-apir pa. Mukhang babaero 'tong isang 'to kung makatingin kay Jess, parang hinuhubaran na ang kaibigan ko.

At WAAHHHH...bigla na lang sinugod ni Tony 'yong nagsalita. Hinigit nya ito sa kwelyo.

TEKA!!! Hindi naman pwede na sya lang ang may eksenang ganyan dito, dapat ako rin.

Makasingit nga, matagal kaya ako nagpraktis para sa ganitong pagkakataon. Chance ko na 'to AJA! (^__^)g

Nilapitan ko si Tony at tinapik sya sa balikat, wearing a very angry face.

"ANO?!" OA naman nito, galit-galitan. Pero mas astig pa rin ako sa kanya.

Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon nya nang makita ang very tough look ko. WOW effective.

Binigyan ko ng killer look ang lalaking hawak ni Tony.

Ang galing ko talaga, pati si Tony eh natakot ko, kaya unti-unti nyang nabitawan ang kwelyo ng lalaki.

Hinarap ko sila ng may pagbabanta.

Ako naman ngayon ang eeksena.Kinwelyuhan ko ang maniac na mukhang sugpo gamit ang dalwang kamay.

"KAYO, KUNG AYAW NYONG MABANGASAN WAG KAYONG BASTOS SA GIRLFRIEND KO, KUNG HINDI MANGHIHIRAM KAYO NG MUKHA SA ASO!" haha! Ang galing ng lines ko, mukhang natatakot na talaga 'to. Napaatras pa sya.

"Pare easy lang, nagbibiro lang naman kami--" naputol ang pag-eeksplayn ng kumag nang lumapit ang manager at isang guard sa amin. Epal naman oh.

"'WAG KAYONG MANGGUGULO DITO, PWEDE BA UMALIS NA KAYO!" At bakit kami lang yata ang sinasabihan nyo. Eh sila nga 'yong nauna. Hay, di bale na nga. Binitawan ko na lang ang kwelyo ng maniac.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon