Chapter 9: OPERATION: DECEIVING MOM

61 2 0
                                    

"Nakalimutan koooo!!! Assignment koooo!!!" T__T ako habang naka subsob ang mukha sa mesa.

Nasa canteen kami ngayon ni Jess. Ginagawa ko ngayon ang book report assignment ko. Sa dami ng nangyari kahapon nakalimutan ko talaga ang book report ko.

Ang dami ko ring natuklasan ngayong araw. Biruin nyo kaklase ko pala sa lahat ng subject si Aedan at pareho kami ng course.

Nabigla ako nang pumasok sya sa classroom ko at umupo sa mismong likuran ng upuan ko. Bakit hindi ko sya napansin kahapon at sa tingin ko hindi rin sya pumasok sa ibang klase namin.

"Tony, tigilan mo na ang paghihisterical dyan hindi mo yan matatapos kung ganyan ka." nilapit nya ang mukha nya sakain at bumulong. "Para kang babae." tapos tumawa sya.

"Ha! Sinong tinawag mong babae? Ako si Anthony Stonem na boyfriend mo..." I mouthed the rest. "Isang babae?"

Tumatawa parin sya. Ewan ko sa kanya. =___=

"Kailangan kong matapos ito ngayon kung hindi--" natigil ako sa pagsasalita nang...

~Lately I've been I've been loosin' sleep

Dreamin' about the things that we could be

But baby I've been I've been prayin' hard...song continued playing

(Counting Stars by OneRepublic)

Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinignan kung sino ang natawag.

"Si Tony... Oh Samuel kumusta ang date mo kagabi?" nakingiti kong sabi habang nakatingin kay Jess.

Napansin kong tumigil sa pagtawa si Jess nang malaman kung sino ang kausap ko. At namumula sya.

"Tumawag sya?" >///< sabi ni Jess habang namumula. May ibinulong din sya sa hangin.

Ano kayang ginawa nila kagabi at parang wala sa sarili itong si Jess.

[&%!#@*¥£¿ sa labas.]

"Ha? May sinasabi ka?" hindi pala ako nakikinig sa sinasabi ni Tony. Ayos lang hindi rin naman nya sinagot ang tanong ko eh.

[Syempre tatawagan ba kita kung wala. Basta pumunta ka dito sa labas may ibibigay ako sayo.]

"Eh hindi pwede, may ginagawa ako."

[Book report?]

"Eh? Pano mo--"

[Hwag ka nang maraming tanong. Basta pumunta ka nalang dito.]

"Hindi nga pwede eh. Ni hindi ko pa nga nasisimulan itong assignment ko."

[Kaya nga mas kailangan mo itong ibibigay ko eh.]

Mabilis pa sa alas kwatro nakatakbo na ako palabas ng canteen papuntang main entrance para hanapin si Tony.

Parang alam ko na kasi kung ano ang ibibigay nya sakin. Buti at may kapatid akong genius. Save na ang assignment ko.

Hindi ko parin binababa ang cellphone upang matanong ko kung saan sya naka park.

[Nandito ako naka park malapit sa gate ng school.]

Nang makalabas ako agad ko rin syang nakita. Good mukhang dala na nya ang magsasalba sa akin, nakalagay sa isang plastic folder.

I ended the call and called his attention. "Samuel!" ^____^

Lumingon sya sa akin matapos ibaba ang cellphone nya.

Ganito ang mukha nya »»» (-___-)"

"Oh heto..." habang inaabot sa akin ang folder.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon