Chapter 4: WOLVES VS. KNIGHTS

68 2 0
                                    

***First day of School***

Nasa Assembly hall kaming lahat, lahat ng freshmen, pati na ibang estudyante ng Brentford. Napaka laki ng hall na ito, parang sa sinehan 'yong set up. Naka-upo kami ni Jess sa may gitna. Tama lang ang lugar namin para makita ang lahat ng mga estudyante.

"Hay naku nandito 'yong mga sugpong mayayabang." tinignan ko ang mga lalaking nakaaway namin noon sa fast food. Nakaupo silang pito sa unahan namin. Naka varsity jacket silang lahat parang uniform nila. Ano kayang sport ng mga 'to?

Nakatapat sa akin 'yong pinakatahimik sa kanila, nakikinig lang sya ng music kasi may headset sa tenga nya malamang hindi nya naririnig ang ingay ng mga kaibigan nya. Teka sa kanya ko pala nakuha 'tong booklet ko.

Pinakamaingay naman 'yong sugpong kinwelyuhan ko dati. Ha! Naaalala ko pa ang mukha nya 'non. Nakasmirk akong tumingin sa kanya.

Bigla syang lumingon sa direksyon ko kaya nakita nya akong tumitingin sa kanya. Nakita kong ngumiti sya, pero hindi sakin kundi kay Jess.

Tinignan ko si Jess. "Uy Sa--este Tony bakit nakatingin yan sakin?" kinalabit nya ako.

Tinitigan ko ng masama 'yong sugpo. Kaya inalis nya kaagad ang tingin nya kay Jess. Tss. Perv!

***After a few minutes***

"Ang tagal na naman magsimula nito? Uy Tony anong ginagawa mo?" buti hindi na nya ako tinatawag na Sam.

"Shhhh!" tugon ko sa kanya habang nakatapat sa bibig ko ang hintuturo ko.

Binalak kong maipasok ang booklet sa bag ni spaced-out guy, pero ang kulet ni Jess, kalabit ng kalabit sakin. Buti nalang at busy sa pakikinig ng music ang isang 'to kaya hindi nya ako napapansin.

Malapit ko nang mapasok ang booklet nang biglang may humawak sa wrist ko.

"WAAAAHHHHHHH!!!" napasigaw ako, teka hindi pala napatili akong parang babae. Nakatingin na sila sa akin, ang mga kasama nya at pati na 'yong mga tao sa paligid namin.

Naku patay ang aga naman mabubuking na agad ako. "AH! I MEAN...HAAH. PRE BOOKLET MO PALA NAHULOG." inabot ko sa kanya ang booklet at hinigit ang kamay ko mula sa pakakahawak nya.

Napailing lang sya habang tinitignan ako ng...naka smirk ba sya?

Haaayy... medyo gwapo pala sya. Matangos ang ilong, medyo tan pero hindi naman sya maitim, parang mestisong nabilad sa araw at 'yong buhok nya parang sa babae makintab pa ata sakin. Medyo natatakpan ng buhok nya ang mga mata nya lalo na nong yumuko sya, nahulog kasi ang booklet, kasi hindi ko inabot ng maaayos sa kamamadali ko na makalayo.

Bumalik ako sa kinauupuan ko umupo ng medyo mababa kesa sa iba at nilagay ang isang kamay ko sa noo para matakpan ng konti ang mukha ko. Sabihin na nating nahihiya ako.    -___-

"Uy! Ano ba kasi ang kinukuha mo sa bag nya?" -__- clueless si Jess sa nangyari. Busy kasi katetext, si Tony siguro katext nito.

"Wala." nakayuko parin ako.

"Tony! Umayos kana magsisimula na." Umupo na ako ng tuwid.

Naglakad papunta si isang mataas na table na may mic si Dean Art. Hindi ko alam ang tawag dun basta 'yon na 'yon.

"WELCOME FRESHMEN, BATCH 2014!" pambungad nya. Nagpalakpakan lahat ng mga estudyante, pati ako pumalakpak ng malakas. Syempre kailangan kong sumipsip, for the sake of my football career. Go! Aja! ^__^

"THIS YEAR WE WILL HAVE A FRESH START &%@#*_-@/#*+" hay naku nabobored na talaga ako, nakakaantok naman. Kelan ba matatapos 'to.

Wala naman akong ginawang masama sa inyo ha, bakit nyo ako pinahihirapan ng ganto. Bakit nyo pinagtaksilan si Monica. Walang kwenta ka Adrian binuntis mo pa si Nicole. ~Dyesebel may paa kana? Ahh!!! Bakit may naglalakad na buhok~~

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon