Chapter 8: VINDICATED

56 2 0
                                    

Note: Masyado yatang mahaba ang araw na to ah. Okay balikan natin si Sam.

--Sam's Viewpoint--

Bakit to nangyari?

'You can try again next year'.

Wala na akong next year, hanggang isang taon lang ang paaalam ko kay Mom. Kung hindi ko ito magagawa ngayon wala nang iba pang pagkakataon para sakin.

Nakaupo ako sa bleachers pinapanood ko ang mga nagtatry out. Kasama sana ako sa kanila ngayon kung hindi lang ako nadamay sa gulo ni Aedan.

Naalala ko kasali pala sya sa team ni Coach Henry. Pero parang hindi sya ganon ka passionate sa sport na to, ni hindi sya naglaro sa practice game kahapon at wala rin sya ngayon.

Kung sana ako nalang ang nabigyan ng pagkakataong meron sya, hinding-hindi ko yon sasayangin lalo na ang pagkakataong maturuan ng isang coach na katulad ni Coach Henry.

Makalipas ang ilang minuto natapos na ang try out. Nagsisimula nang tawagin ang mga nakapasa.

"Hey..." biglang sumulpot sa likod ko ang isang mascot at tinapik ako sa balikat. Wolf costume sya at parang pamilyar sakin, ah oo sya yong lampang mascot.

Tinanggal nya ang maskara sa ulo nya. Teka bakit nga pala sya naka costume?

Tinignan ko sya habang umuupo sa tabi ko. Naka ngiti sya, medyo gwapo pala to, kung hindi lang sya lampa at weird papasa na syang school heartthrob.

"Bakit ka naka costume? Wala namang game ngayon ah at suot mo ba yan kahit saan?" nagtataka talaga ako sa kanya ang weird nya.

"I'm internalizing." ^____^

"Internalizing, kailangan pa ba yon? Magsusuot ka lang naman ng wolf costume tapos sasayaw at ilead ang mga tao sa pagchecheer."

"That's it, that's my job and to be able do that I need to become the costume. Kailangan naming maging isa ng wolf nato." habang tinitignan ang maskara nya.

"And to do that kailangan mong isuot yan kahit saan? Kahit pagtawanan ka ng mga tao? Ah... teka ano nga bang pangalan mo?" dalawang beses ko na syang nakakausap hindi ko parin alam ang pangalan nya.

"Chris Tuazon, at your service." nagsalute pa sya. "Yes, I need to embody the character at kung kailangan kong kalimutan ang tunay kong pagkatao gagawin ko to make people happy and to keep the Wolf Spirit burning in their hearts. That's my goal and that's the reason why I'm here." seryoso nyang sabi. Tinitignan ko lang sya.

Mabuti pa sya magagawa pa nya ang bagay na gusto nyang gawin, pero ako wala nang dahilan para manatili ako dito nagtapos na ang pangarap ko matapos sabihin ni Coach Henry ang mga salitang iyon.

"Ikaw, what's your goal?" tanong nya habang nakatingin sakin.

"Ako? Wala na... Hindi ko na magagawa pa ang pangarap ko na nagtapos dahil na late ako." nakayuko kong sabi.

"Ganon ba?" tumingin sya sa field.

"Oo, ganon na nga hin--" natigilan ako nang magsalita sya ulit.

"Ganon lang ba kadali sayo ang isuko ang pangarap mo? Nakarating kana dito ngayon ka pa ba susuko?" tinignan ko sya ng may pagtataka. Parang alam nya ang mga pinagdaanan ko.

Tumingin ako uli sa lugar kung saan ginanap ang try out. Nag-aalisan na sila yong iba masaya at yong iba naman mukhang dismayado. Nasabihan din siguro sila ng mga salitang sinabi sakin ni Coach.

'You can try again next year'.

Ah...ano ba? Hindi to tama, hindi alam ni Coach Herny kung ano ang pinapalampas nya.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon