Chapter 13: IN THE RAIN

55 1 0
                                    

Higa...tayo...ikot-ikot. Hay naku I'm bored. Pano ako lang mag-isa dito. Wala si Aedan, hindi pa sya bumabalik siguro nandon sya sa Lolo nya. Hindi ko akalaing...urhggg...namimiss ko sya?

Kinuha ko ang soccer ball mula sa ilalim ng kama ko. Gusto kong maglaro ng soccer ngayon. Pero parang uulan, makulimlim at mukhang hapon kahit 8 am palang.

Humiga na lang ako uli at pinaglaruan ang bola. I'm tossing the ball up and then pushing it up again when it lands on my hand.

***TOGGGGGSSSS

Biglang bumukas ang pinto, kaya hindi ko na nasalo ang bola at diretso sa mukha ko.

***PLAKKKK

"ARAYYYY..." agad akong tumayo habang hawak ang ilong ko, bakit ba ito parati ang napupuruhan. Ang matangos kong ilong baka maging pango na.

"Sam, ayos ka lang?" agad lumapit si Aedan sa akin.

"Eh bakit ka kasi agad-agad pumapasok?"

Tumatawa sya. Teka tinatawag na nya akong Sam? Ahh...Oo nga pala nagpakilala na ako sa kanya.

Pinulot nya ang bola, then he did a free style dribble. Wow ang galing nya, pwede na syang sumali sa free style soccer.

"Pfff...show off." -___- sabi ko, insecure?

Tumigil sya sa pagdidribol then he looked at me.

"Wanna play?" he smirked.

"Ha? Bulag ka ba? Malapit na kayang umulan. Kaya nga dito na lang ako naglalaro eh...kahit boring."

"Eh nabobored ka pala. Edi maglaro tayo."

"Ayokong mabasa ng ulan, magkasakit pa ako."

"Tss...takot ka lang matalo eh. I want a rematch."

"Tss...ka rin. Kulet nito, sige na nga." tumayo na ako then palabas na sana nang kwarto nang may maalala ako. "Teka san ka ba natulog kagabi?"

"Kung makatanong ka naman parang asawa ko." he muttered, pero naintindihan ko.

"Ano? Feeling nito." inirapan ko sya.

"Hahahahah...di ka naman mabiro. Sa bahay ng Lolo ko."

Oo nga pala, nandon sya kagabi sa birthday ni Cheska at sya ang dahilan kung bakit nag-walkout ito sa sarili nyang party.

Si Aedan ang nag-iisang tagapagmana ng Jeajong-Lee Group of Companies. Pero bakit nakikihalubilo pa rin sya sa akin, hindi na kami magkapantay pa.

"Aedan..." naglalakad na kami palabas ng dorm.

"Hmmm?"

"Why are you still hanging out with me? Diba ikaw ang tagapagmana ng company ng Lolo mo? Dapat sa mga anak ng mayayaman ka bumarkada, hindi sakin."

"May kabarkada naman akong mayaman ah..."

"Ha? Sino?"

"Si Brent."

"Si Brent? Mayaman ba 'yon? Oo may magara syang kotse pero malay ko ba kung ninakaw nya 'yon. Mukha kasi syang myembro ng sindikato na mahilig sa babae eh."

"Hahah...kahit mukhang goon 'yon kung manamit--" dahil sa leather jacket at ripped pants. "Mayaman 'yon, sila nga ang may-ari nitong school eh."

"Ano!?" 0___0

"Totoo..."

"No way!" umiiling kong sabi.

"Yes way!" at tumango sya. So sina Brent pala ang may-ari nitong school na'to. Kaya pala pamilyar sa akin 'yong si Mr. Peter Sands na ipinakilala ng Lolo ni Aedan kagabi na may-ari ng Brentford University, kasi tatay pala sya ni Brent. Kaya pala mukhang foreigner 'yong si Brent eh. "And we've been friends since we were kids. Elementary palang kami kabarkada ko na siya. Pati na rin sina Charlie at Jasper."

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon