--Jess' Viewpoint--
Sino ba yong nagtatakbuhan kanina? Ang tahimik dito sa Lib tapos biglang may papasok at ang lakas pa ng mga boses parang mga siga. Pero bakit hindi man lamang sila pinagalitan ng librarian?
Nanahimik lang sya sa table nya at parang takot, although nakakatakot talaga yong dalawa sa kanila at yong parang leader nila tahimik lang na nagmamasid pero parang nagpipigil lang ng galit. Pati yong ibang estudyante wala ni isang naglakas loob na magsalita.
Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. Dala ko na ang mga librong hiniram ko sa library. I'm heading straight outside the campus, sigurado naiinip na sya kahihintay sa labas. Sana hindi pa sya umaalis.
************
Nakikita ko na sya, nakasandal sa isang itim na pick-up. Buti hinintay nya ako.
"Jess!" nakingiting tawag ni Tony sakin.
Lumapit sya at kinuha ang mga librong dala ko.
"Saan ba tayo pupunta, Samuel." pabirong tawag ko sa kanya.
"Tss, wag mo nga akong tawaging Samuel. Pasaway talaga yong kapatid ko, inagaw na nga ang identity ko, ang pangit pa ng ipinalit." -____- habang ipinapasok ang mga gamit ko sa loob, tapos humarap na sya sakin.
"Hindi naman pangit ang Samuel ah... Ang cute nga bagay sayo." pinisil ko ng mahina ang pisngi nya.
Nagulat ako nang bigla nya itong higitin papunta sa dibdib nya. Napahawak tuloy ako sa chest nya. Randam ko kung gaano ito ka-toned at kung gaano kalakas ang tibok ng puso nya.
Nginitian ko sya, tapos hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap. Niyakap ko rin sya pabalik.
"I missed you." bulong nya tapos hinalikan nya ako sa noo.
Lumayo ako ng konti sa kanya pero nasa bewang ko parin ang mga kamay nya.
"It was just three days, you missed me kaagad?" nakangiti kong sabi.
"A day is like a year without you." seryoso nyang sabi habang nakatingin diretso sa mga mata ko.
I giggled "Bolero..." hinampas ko sya ng mahina sa balikat.
His words are like vitamins to me, I need a dose of it daily, but I skipped my vitamins for three days. Ngayon lang ako sumigla ulit matapos kong marinig ang mga hirit nya.
"Ano ba? Three years tayong hindi nagkita tapos tatawanan mo lang ako." pabiro nyang sabi.
"Haha...Tara na nga." aya ko sa kanya. "Teka nga, san ba talaga tayo pupunta?" tanong ko ulit kasi hindi pa nya sinasagot ang tanong ko kanina.
"We're going on a date." ^___^
Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok ako pero marami pa rin akong gustong itanong. Umikot na sya papuntang driver's seat. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko.
*********
Hindi ko parin alam kung saan kami pupunta, kahit ilang minuto na kaming bumabyahe. Ang mga tanong ko tinutugunan lang nya mga ngiti.
"Alam mo ba? May curfew kami sa dorm." haist ba naman, yon ba talaga ang nasabi ko.
Lumapad ang ngiti nya. "Don't worry, hindi naman tayo masyadong magpapagabi." diretso lang ang tingin nya.
"Okay, pero kain muna tayo."
**********
Huminto kami sa isang establishment. Nagpark sya malapit sa entrance.
"Shakey's?" taas kilay na tanong ko.
"Bakit saan ba sa tingin mo?" ^____^
Sa isang fancy restaurant. KYAAAHHH!!! Akala ko doon kami kakain. >__<
BINABASA MO ANG
My Soccer Dream
Storie d'amoreWhat if you have to choose; to be someone else to make it big or to be yourself and be loved for who you are but give up your dreams for the one you love. (Wow English...hahahah! Pero taglish po ang story na ito. Don't worry wala pong magnonose blee...