Chapter 11: MORE THAN A GANGSTER

45 2 0
                                    

"That is if you're really a guy, though."

0_____0

Alam nya? Pano nya nalaman? Nakita nya kaya lahat kanina? WAHHHHHH!!! Anong gagawin ko?!

"A-anong ibig mong sabihin?" please sabihin mong nag-jojoke ka lang, sabihin mong wala kang alam...please. Nagmamakaawa ako.

Tumalikod sya at pumunta sa kama. "Don't worry I won't tell anyone." sabi nya habang naglalakad at nakatalikod sakin.

"Ano bang alam mo?" kahit sa tingin ko alam ko na ang sagot nya, gusto ko lang kompirmahin.

"I already told you, I won't tell anyone. So rest assured...cause I don't break my promise." tapos humiga na sya. Ang mga kamay nya nasa ulunan nya pero hindi sya nakapikit naka tingin lang sa ceiling.

"Kung ano man ang nalalaman mo, wala na akong pakialam kung sabihin mo man kahit kanino. Isang pangarap lang naman ang sisirain mo." hindi ko pa sya ganon ka kilala kaya hindi ako makasisiguro kung tutuparin nya ang pangako nya.

Pero kung dito na magtatapos ang lahat wala na akong magagawa kundi ang harapin ang resulta ng gagawin ni Aedan. Sana lang maisip nya na ginagawa ko lang 'to dahil ito lang ang tanging paraan upang mapalapit ako sa pangarap ko at sa tatay nya na idolo ko. Kung sya walang pakialam sa iisipin ng tatay nya, para sakin mahalaga ang magiging reaksyon Coach Henry sakaling malaman ang tungkol sa sikreto ko.

Pag labas ko ng kwarto, bumaba na agad ako, nalaman kong nasa loob lang pala ng bar ang kwartong pinadalhan sakin ni Aedan.

Naka salubong ko ang mga kaibigan ni Brent.

"Oh Tony, ayos ka na ba? Asan na si Aedan akala ko magkasama kayo?" Charlie.

"Ewan ko." bakit ko hahayaang magkasama kami?

"Bakit hindi mo alam? Eh kanina lang inaalalayan ka nya dahil sa kalasingan mo. Nag-aalala sya sa room mate nya." Tyler.

"Ha?! Ah...ehh...Oo kasama ko sya kanina pero nahimasmasan na ako kaya iniwan ko na sya." tss...hindi nag-aalala 'yon gusto lang makascore.

"Nasan sya?" biruin nyo nagsalita ang emo na si Jasper.

"Nagsasalita ka pala? 0__0 "Nasa taas sya natutulog." walang gana kong sagot. Makaalis na nga dito.

Paalis na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.

"Tony!" tapos hinatak nya ako.

"Aedan?! Akala ko doon ka matutulog." sabi ko habang pilit na binabawi ang kamay ko. Mukhang nakahanap rin sya ng t-shirt na pamalit sa nasukahan ko kasi iba na ang suot nya.

"Sa dorm na lang ako matutulog."

"Ha? Ahh..." hindi pwede. >___<

"Aedan sumabay na lang kayo sa'min, pwede kayong sumabay kay Brent sa sasakyan nya." sabi ni Jace.

"Hindi na, magtataxi na lang kami pauwi. At isa pa...mukhang matatagalan pa 'yong si Brent." tapos kinaladkad nya na ako palabas ng bar. Naiwang nagtataka ang mga kaibigan ni Brent.

Pumara na sya ng taxi at sumakay na kami. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin, tanging tunog ng aircon at makina ng sasakyan lang ang maririnig.

Ang layo ng tingin nya. Ano kayang iniisip nito? Baka naman...ahh hindi naman siguro.

Nakarating na kami sa dorm. Nilakad lang namin ang driveway, hindi na kasi pwedeng makapasok ang sasakyan sa loob kasi sarado na ang gate.

Nauuna syang maglakad kesa sakin, ang hahaba naman kasi ng biyas nya.

Samantalang ako, mabagal at naka yukong naglalakad.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon