Chapter 2: BIG CHANGE

80 3 0
                                    

"Hay naku Tony, ano ba ang naisip mo at sinadyest mo diyan sa kapatid mo na mag-enroll sa Brentford gamit ang identity mo?"

Nakaupo sina Jess at Tony sa table na pangdalawahan sa isang fastfood sa loob ng mall, habang hinihintay si Sam na noo'y nagpapagupit sa isang salon doon. Usapan nilang dito sila magkikita matapos nila itong samahan sa pamimili na damit panlalaki sa department store.

"Hindi ko naman balak na hayaan sya sa kalokohan nya, dahil bukod sa imposibling magaya nya ang kagwapuhan ko--"

"WOW ha! Ang yabang mo." Biglang singit ni Jess sa 'love my own' speech nya.

"Teka lang hindi pa nga ako tapos eh." -__-

Biglang syang naging seryoso. "Baka mapahamak lang sya sa gagawin nya. Hindi na nga namin pinaalam kay Mom at baka madisappoint iyon sa balak nya. Ilang beses ko na syang sinabihan na wag nang ituloy ang balak pero, desidido na talaga tong krung-krung nato eh. Wala na daw talagang makakapigil sa kanya, kahit pa si Batman!" -__-

"Paano ka na ngayon makakapag-aral, kung si Sam na ang gagamit pangalan mo syempre kasama na rin doon ang mga credentials mo para makapag-enroll sa mga University?" Concern na tanong ni Jess sa binata.

Oo nga no? Paano na ngayon si Tony? Balak pa naman sana nyang kumuha ng Medicine, Law or Accountancy.

Pero yun na rin marahil ang dahilan kung bakit hindi na nya magawang pigilan ang kapatid sa kabaliwan nito, hindi rin kasi sya makapagdesayd kung anong kurso ang kukunin nya sa kolehiyo.

Buti pa nga si Sam merong pangarap na desididong makamit at kahit ano gagawin-- kahit na magpanggap na ibang tao-- makamit lang ito. Pero sya kahit alam nyang kayang-kaya nyang matapos ang kahit na anong kurso sa kahit saang paaralang naisin nya, hindi parin nito matukoy kung ano ba talaga ang balak nyang mayari sa buhay nya.

Palagay nya wala sa bokabularyo nya ang salitang 'pangarap', dahil sa tingin nya wla sya nito.

Ang tanging naiisip lang ni Tony na dahilan kung bakit gusto nyang mag-aral sa Brentford ay samahan at maprotektahan ang kapatid mula sa mga taong maaaring mang-api dito.

***###

Ringing tone: Fly by Rhianna & Nicki Minaj

I came to win, to fly, to conquer, to thrive...

I came to win, to survive, to prosper, to rise...

To fly... to fly...

Agad dinampot ni Jess ang cellphone nya na nasa lamesa. "Si Sam tumatawag..."

"Hello Sam tapos na ba ang makeover mo?"

Other line: Para thrilling hindi ko muna idedescribe ang new look ni Sam. Hehe...

[Oh... Jess! Oo, papunta na ako dyan] in a deep voice.

"Haha! Bakit biglang modulated ata ang voice mo?" Natatawang tanong ni Jess.

Bumalik naman agad sa dati ang boses nya.

[Ano? Papasa na bang lalaki ang boses ko.]

"Hay naku ewan ko sayo Sam. Pumunta ka na nga lang dito...hehemm" napangiti ng bahagya si Jess.

[Ok... Papunta na ako. 'Wag kang maiinlove sakin ha at baka magselos si Tony.]

"Anong akala mo sa akin tom--" Biglang nanlaki ang mga mata ni Jess nang makita niyang palapit sa table nila ang isang mestiso't gwapong lalaki na medyo may hawig sa kasintahang si Tony.

Nakasuot ito ng plaid unbottoned polo na may navy blue jacket na nakasuot si ibabaw nito, layered with a grey printed shirt at ang bottom nya, isang dark coloured pants and sneakers.

My Soccer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon