--Sam's Viewpoint--
***Ringing Tone: Heart Breaker by Simple Plan
"Shhhhhh...QUIETTTT!!!" nabangon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Parang sumigaw rin ata ako, hindi ko matandaan tulog pa ata ako. ~__~
**Togggsss***
"AHHHHHHK!!! ARAYYY!!!" hinihimas ko ang ilong ko matapos kong mahulog sa kama una ang mukha. Sinusubukan ko kasing abutin ang cellphone na nakalagay sa study table ko. Buti na kuha ko 'yon, pero nabitawan ko rin matapos kong mahulog.
"Sino ba tong natawag? Ang aga naman mambulabog nito." naka upo parin ako at dinampot ang cellphone na nahulog sa sahig.
Si Mom pala. o_O
"Oh Mom..." hindi uso sakin ang hello eh.
[Hello! Samantha anak, kumusta ang retreat?]
Naku patay 'yon pala ang sinabi kong palusot sa kanya na one year akong mareretreat sa Tagaytay. Nagsinungaling pa talaga ako sa nanay ko para lang mapagpatuloy ko ang pangarap ko.
Sabagay isang taon lang naman eh at kailangan ko lang mapatunayan sa sarili ko na kaya kong makipag sabayan sa larong football kahit isa akong babae. This is my dream and I will do everything to succeed.
[Hello Sam? Andyan ka pa ba?] hindi na ako na imik.
"Opo...Okay lang po ako dito 'wag po kayong mag-alala." biglang lumabas si Aedan mula sa banyo.
[Alam mo bang sa Brentford na nag-aaral si Tony?]
"Ah eh, o-opo nakwento na nga nya sakin." mahina kong sabi, halos pa bulong na. Naku patay pano nya nalaman?
Medyo tumalikod ako, pero nakaupo parin sa sahig habang tinakpan ang bibig ko.
[Bakit ang hina ng boses mo? Ah, bukas nga pala dadalaw--]
"Mom, sige po ibababa ko na to tatawag nalang po ako sa inyo. Bye!" hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ni Mom at nagmamadaling ibaba ang telepono. Mag-aalas syete na malilate na ako sa first subject ko.
Nakabihis na si Aedan at inaayos ang mga gamit nya para pumasok. Pero ako ni hindi pa nakakaligo, kaya nagmamadali akong kumuha ng damit sa cabinet at pumasok sa banyo.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Madalas matagal ako sa banyo, pero ngayon mabilis lang akong naligo. Nagsusuot rin ako ng binder para hindi mahalata ang dibdib ko. Pati ang damit ko layered para matago ang dapat itago.
Paglabas ko ng banyo wala na sa kwarto si Aedan. Iniwan na ako. Pagtingin ko sa orasan alas syete na pala, late na ako. T_T
Tumakbo ako ng mabilis papuntang classroom namin. Malayo layo rin ang tinakbo ko, buti na lang mabilis akong tumakbo. Para san pa ang mga naging training namin non sa soccer kung hindi ko gagamitin sa oras ng kagipitan.
***Classroom***
Tama lang ang dating ko wala pa ang Prof namin. Lumingon-lingon ako sa paligid, halos occupied na lahat ng seat. Buti na lang may isa pang bakante sa may bandang likod.
"Dito ka nalang sa tabi ko." may biglang nagsalita sa tapat ko. Babae, maganda at sexy, naka-mini skirt sya at naka-cross ang legs. Pero mukhang hindi maganda ang ugali. Tama ba namang itulak ang katabi nya? Nahulog tuloy. Inuoffer ang upuang may nakaupo na. -__-
"Ah no Miss hindi na may bakante pa naman don." itsura nito, di hamak mas maganda naman ako sayo.
Tinulungan kong makatayo ang babaeng tinulak nya. Pero sya parang walang pakialam at inabot lang kamay sakin para makipagkilala.
BINABASA MO ANG
My Soccer Dream
Storie d'amoreWhat if you have to choose; to be someone else to make it big or to be yourself and be loved for who you are but give up your dreams for the one you love. (Wow English...hahahah! Pero taglish po ang story na ito. Don't worry wala pong magnonose blee...