"Bakit mo nga pala hinahanap si Coach?" tanong ni Brent.
Nasa harapan kami ng office ni Coach Henry na katabi lang ng locker room ng soccer team. Bawat sports team dito sa Brentford may kanya-kanyang locker rooms.
"Gusto kong magtry out para sa team."
"Ah, ganun ba. Napostpone ang try out, bukas na daw 3pm." tugon nya.
"Ha? Bakit daw?"
"Hindi mo ba napanood ang game kanina?" Ay, oo nga pala.
"Ah, sorry ah. Nawala sa isip ko, nakikiramay nga pala ako..." malungkot kong sabi.
"Anong pinagsasabi mo? Hindi naman kami namatayan ah." kunot noong sabi nya.
"Ay, oo nga pala." may naalala ako bigla. "Teka, di ba freshmen lang din kayo nong mga kasama mo? Bakit kasali kaagad kayo sa team at pati sa game, di ba dapat magtry out din kayo?" tanong ko, kasi unfair dapat sabay lang kaming matatry out bukas.
"Hindi na namin kailang magtry out. High School palang kami kasali na kami sa team."
"Ha? Pano nanyari 'yon?" (?_?)
"Players kami sa soccer team ng Brentford High. Kaya pagkagraduate namin at kapag napasok kami dito sa Brentford University, automatic pasok na rin kami sa soccer team nila." paliwanag nya.
"Ah ganon ba?" mukhang naliwanagan naman ako.
"Sige maiwan na kita." aalis na sana sya nang bigla ko syang tanungin.
"Teka--alam mo ba kung saan ang room 415 sa boy's dorm?"
"Ah malapit lang sa room ko 'yan. Sabay nalang tayo papunta rin ako don."
At 'yon nga sabay kami nagpunta ng dorm.
***Boy's Dormitory***
Ang ingay at ang gulo dito, kabaligtaran ng girl's dormitory. Magkatapat lang na building ang boy's at girls dormitory at nakapunta na rin ako doon noong iwan ko kay Jess ang mga gamit ko. Acctually hanggang lobby lang ako, bawal kasi pumanik sa rooms ng mga babae ang mga lalaki. Eh babae rin naman ako ah. >__<
"Oh, andito na tayo. Doon nga pala sa tapat ang room ko 414. At dito naman ang sayo." sabay lingon namin sa likuran, tinuro nya ang pintong katapat namin.
"Oo, eto na nga 415." pagsang-ayon ko.
"Teka ano nga ba ang pangalan mo?" tanong nya.
"Sa-Stonem, Anthony Stonem." muntik ko nang masabing Samantha. -__-
"Anthony good luck sa try out bukas." tapos ngumiti sya.
"Tony na lang, salamat ah." tumalikod na sya at binuksan ang pinto ng room nya.
Pero bago pa nya ito sarhan, may sinigaw muna sya "GOOD LUCK DIN SA ROOMMATE MO!" ^___^ bago pa ako maka react agad na nyang sinarhan ang pinto nya.
Bakit kaya nya sinabi 'yon? Sino nga ba ang kasama ko dito? Halimaw kaya? Dragon? O baka naman serial killer? Nakakatakot naman. ~__~
Nakatayo parin ako sa tapat pinto, pero hawak ko 'yong susi. Ipapasok ko na sana sa door knob nang biglang bumukas ang pinto.
"Anong ginagawa mo dyan?" nagulat ako nang biglang buksan nya ang pinto. Walang ekspresyon ang mukha nya, basa ang buhok at---KYAAHHHH! Nakatowel lang sya!
Tumalikod kaagad ako habang nagsasalita at naglalakad ng patalikod papasok sa loob. "A-Ako nga pala ang makakasama mo dito." hindi ko sya tinitignan.
"......"
"Ako nga pala si Tony, kumusta ka? Saan nga pala ang kama ko dito? Ah ito siguro" hindi ko parin sya tinitignan.

BINABASA MO ANG
My Soccer Dream
RomanceWhat if you have to choose; to be someone else to make it big or to be yourself and be loved for who you are but give up your dreams for the one you love. (Wow English...hahahah! Pero taglish po ang story na ito. Don't worry wala pong magnonose blee...