Uno's POV
Uy si Riven.
"HI CRUUUUUUUSSSHH!!!!" sigaw ko ng makita ko si Riven sa loob ng campus.
Matagal ko ng crush si Riven.
Pero lagi lang rin niya akong binabaliwala.
"Ang ingay mo" sabi niya sabay lakad ng mabilis ng maabutan ko siya na naglalakad.
"Sungit mo naman, san ka pupunta?" Tanong ko ng masabayan ko ulit siya sa pag lalakad.
"Sa dean's office." Walang emosyon niyang banggit.
Nagtaka naman ako dahil dun, na d.o ba siya? Sinong nag report sa kanya? bubugbugin ko.
"Anong gagawin mo dun?" Nagtatakang tanong ko.
"Irereport ka. Ang ingay mo eh." Sabi naman niya.
Aba grabe siya sakin ah.
Di naman ako masyado maingay ang hina nga ng boses ko eh.
"Di naman eh" sabi ko ng huminto ako sa paglalakad.
Dahilan para maiwan niya ako dun at punasok naman siya sa d.o.
Umakyat na lang ako sa room ko ng di ko na siya matanaw.
Hala ayoko ma d.o lagot nanaman ako kay tita Flor niyan pag nalaman niya.
Epal kaseng Riven yan eh, kung di ko lang siya crush binugbog ko na yan.
Pero siyempre di pwede.
"Okay class, on friday, meron kayong A night to remember, just like JS prom, pero dahil k-12 kayo, at wala ng junior at senior, we called it a night to remember. Black and white ang motif natin like last year, at dahil first time niyo ito, tignan niyo na lang yung bulletin board sa baba para di kayo malito. Okay class dismissed, wait here for your next subject." sabi ng adviser namin ng masabi niya ang mga gusto niyang sabihin.
Teka, sa friday na agad? Thursday na bukas ah? Oh crap, bakit ngayon lang niya sinabi? Nakalimutan nanaman niya?
Irereport ko na talaga sa d.o yan si sir.
Ghaaaad kailangan mag ayos ako, gusto kong isayaw si Riven.
Haha babae pa talaga magsasayaw sa lalaki eh no?
After ng mga klase, Naglakad ako papuntang bulletin board at hinanap yung information about a night to remember.
'A night to remember'
When: Friday March 26,2016
Where: at Azalea University Ground floor.
Attire: black or white or black and white attire for men and women.
With your face mask.
This will be a masquerade ball.My goodness anong kalokohan to?
Masquerade ball talaga?
Nakita ko si Riven na lumabas sa d.o kaya agad ko naman siya pinuntahan.
"Hi crush" bati ko sa kanya.
"Tss." Sagot lang niya.
"Crush pwede ba kita maging partner sa event?" Makulit na tanong ko sa kanya.
Wala ng hiya hiya, kapal na ng mukha.
"No" tila parang napatahimik ako ng pagsagot niya na yun.
"bakit?" Nanghihinang tanong ko.
"May date na ako" sagot niya.
Tila nanghina ako lalo ng sabihin niya yun sakin ng harap harapan.
BINABASA MO ANG
The Gangster In Disguise
Teen Fictionpaano kapag ang minahal mong babae ay mas siga pa sayo? paano kung yung babaeng iyon ay hindi yung pinapangarap mo. mamahalin mo paba?