Chapter 6: Kwek kwek

34 2 0
                                    

Uno's POV

"Grabe di ako makapaniwala nung friday haha" sabi ni King habang naglalakad kami papuntang isetann.

"Pak Junior King and Queen." Sabi ko naman sabay lagay ng mga kamay ko sa mukha namin.

"Pero seryoso noong gabi lang na yon mo nalaman buong pangalan ko?" Tanong nito saakin.

"Oo haha, King lang talaga ang alam kong pangalan mo haha, simula grade 7 pa talaga haha" sabi ko dito.

Mukha kaming tanga kakatawa habang nag lalakad.

"Saan ba tayo pupunta at nag lalakad lang tayo? Di ka ba naiinitan? 12 pm nag lalakad tayo? Buti na lang at nag pants at tshirt lang din ako, ikaw naka backpack pa, akin na nga yan, ako nabibigatan sa dala mo eh, ano ba laman niyan?" Sermon nito habang naglalakad kami.

At dahil nabibigatan na rin ako sa dala ko binigay ko na sa kanya yung backpack ko.

"Nandito tayo sa recto nag lalakad, papunta tayong isetann para mag sunday service, excited na ako mag worship. At sunday exercise na rin to" sabi ko habang kinukuha yung payong sa bag ko na nakalagay sa likod niya.

"Seriously? Nag jeep na nga tayo eh, and by the way that was my first time. At totoo palang 8 pesos lang yung pamasahe eh no?" di makapaniwalang tanong neto.

"Okay na yun, it's part of life." Sabi ko sabay bukas ng payong.

Mukha na siyang tanga kaka tingin sa paligid, tila manghang mangha sa mga nakikita niya.

"Ano yun?" Tanong niya sabay turo sa mga naka tusok na fishball, kikiam at kwekwek.

"Yummy cart tawag ko jan, dirty cart naman kung tawagin ng iba." Sabi ko.

"Ano naman yun?" tanong pa niya.

"Basta mamaya na pag labas natin malalaman mo, kailangan lang natin bilisan para maabutan natin ying worship" sabi ko sabay haltak sa kamay niya.

Nakaakyat na kami sa isetann ng huminto siya sa pag lalakad.

"Anong gagawin ko? Baka masunog ako sa loob niyan" sabi nito na ikinatawa ka.

"Trust Lord God, Trust me." sabi ko at nagpatuloy ako sa pag haltak sa kanya.

Nag proceed kami sa registration area dahil bago siya.

"Hi mama Tine" bati ko sa network leader ko, ang leader ng cell leader ko.

Sa mga network mag kahiwalay ang mga babae at lalaki, kaya kung lalaki ka, nasa mga lalaking network ka, at kung babae ka, nasa babaeng network ka.

"hi anak, sino siya invite mo?" Tanong ni mama Tine.

"Ne, and he's my bestfriend" sagot ko kay nanay.

"O sige sige, pasok na, nandun na nanay Chin mo, nag uumpisa na yung worship." Sabi ni mama Tine.

"Tara?" Yaya ko kay King ng matapos na siya sa registration.

"Para saan to?" tanong niya sabay turo ng sticker na nilagay sa dibdib niya.

"Para malaman na VIP ka" sagot ko sa kanya.

"Matagal na akong important person no haha" pamimilosopo pa niya.

"Baliw, lahat ng bago kase dito pinahahalagahan" sabi ko naman.

Pagkapasok namin pumunta agad kami sa pinaka unahan.

Nag prapraise and worship na.

Tila wala akong paki elam sa paligid, iniintindi ko ngayon ang presence ni God.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon