Chapter 1: Savager Quinn

99 2 0
                                    

Uno's point of view

"Your crazy? Hell i'm crazier" sabi ko sa opponent ko bago ko siya atakihin.

Ng dahil sa maling galaw ko, nagdugo ang labi ko.

Pero dahil dun mas ginanahan ako sa pakikipag laban.

"Sumuko kana kase" sabi ng kalaban ko habang hingal na hingal dahil sa lag ilag na ginagawa niya.

"Chitchat" sagot ko sabay takbo ng boruto para makapunta agad sa likod niya.

At ng dahil dun, di na siya nakapalag at tuluyan ko na nga siyang na trap ng kutsilyo ko sa leeg niya.

"I said it, I'm crazier than you? So now? Dead or alive?" Mapanlaro kong tanong.

Tila mukhang namutla siya at di makapag salita, at alam ng mga tao dito kung ano yung kaya kong gawin.

"So what's your answer darling?" Pagtatanong ko ulit.

Putla at di pa rin siya makapagsalita.

"Don't make me repeat my question dear" sabi ko sabay baon ng kutsilyo sa leeg niya dahilan para tumulo ang dugo at bumalik siya sa katinuan.

"Wag please" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay sign na ayaw niyang mamatay at di na siya lalaban kahit kelan.

Kahihiyan yun para samin.

"Okay savager Quinn won" sabi ng emcee sabay taas ng black flag para sa pag surrender ng isang dweller.

Agad may tumakbo na mga nurse kay Bitchy yung nakalaban ko.

Nagulat ako ng tinanggal nila yung mask niya, si Clarise, section 2 sa Azalea University kung saan ako nag aaral.

Pumunta na ako sa kotse ng kuya ko at saka tinanggal yung maskara ko.

It's important to hide our identity, specially my identity, dahil kasali ako sa magic 5. And I'm in Rank 3 to be exact.

"4 wins na lang mag momoving up rank na si savager quinn!" Sabi ni oppa.

"Shut up oppa" sagot ko sa kanya.

"Yeodongsaeng, alam kong may pinag dadaanan ka, pero di basehan yun para pumatay ka, pwede mang gulpi pero bawal pumatay, wag mong dungisan mga kamay mo." paalala saakin ni oppa.

"Shut up Lerin First" pang prorovoke ko kay oppa.

"I already told you not to call me with my full name. Just call me Rin" pag aalma naman nito.

Pinaharurut na niya yung sasakyan na para bang wala kaming kasabay na mga sasakyan, lahat na ata ng batas sa pag mamaneho nilabag niya na, counter flow, over taking, over speed, beating the red light at iba pa.

Di ko na siya sinita kase alam ko na sasabihin niya.

"I'm Lerin Salvestre no one can stop me" linya niya lagi.

Umuwi kami ng exact 4 am at as expected, walang sasalubong saamin na mala machine gun na bunganga.

Our mom is in Korea for a business and my dad is in New York with his new family.

Masakit para saamin ni Oppa yun, pero wala naman kaming magagawa, ayaw nila mag pa pigil, at buhay nila yun.

Tanging si lola lang ang nag alaga samin simula pagkabata.

Pero...

Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

May pasok pala mamaya gash ayoko nga pumasok. Sasakit lang ulo ko jan.

Dahan dahan akong napapikit at dinama ng likod ko ang malambot kong higaan.

Someone watching me from afar, i didn't recognize him dahil sobrang layo niya at ang blur ng buong katawan niya.

Lalapit sana ako pero nahaharangan ako ng tubig, bigla akong di makahinga, nalulunod ako, pero may kamay na humila sa kamay ko.

At naging dahilan yun para magising ako sa panaginip na di ko alam kung ano nangyari.

"Uno! Bumangon ka jan, nanjan sila tita Flor! Mag palit ka ng bruha ka, pag nalaman nilang nakikilag duel ka nanaman ipapatapon ka na nila sa korea!" Pasigaw na bulong ni oppa dahilan para mapabalikwas ako.

Dali dali kong hinubad yung kwintas ko na may pendant na letter S, hinubad ko na rin yung Denim jacket ko na may naka burda na SQ sa likod, pati na rin ang itim na panyo na may bahid ng dugo.

Tanging black na ripped jeans at vneck nawhite lang yung suot ko, dali dali kong nilagay sa ilalim ng kama ko yung mga gamit ko lang dwell ng biglang kumatok si Tita Flor.

*tok tok
*tok tok
*tok tok

Humiga muna ako sa kama at nag kusot ng mata para di halata na nabigla ako sa pag gising saakin ni oppa.

"Pasok po." Mahina kong banggit.

Nag bukas naman ang pinto at niluwa nito ang bruha kong tita.

Nilibot niya ng kanyang paningin ang buong kwarto ko.

Nakita ko naman na nakalabas ng kaunti yung jacket ko kaya napa balikwas ako ng bangon at dali daling tinulak ng paa ko yung jacket papasok sa ilalim ng kama.

"Bat nagmamadali ka?" Mapang husgang tanong ni tita.

Natulala ako sandali at nag isip dalidali ng ipapalusot ko kay tita.

Nag cross legs ako habang nakatayo at kunyaring di makagalaw kase naiihi na ako.

"Naiihi na ako tita, di ko na mapigilan babagsak na." pag papalusot ko.

"Ano pa hinihintay mo? Umihi kana, tapos bumaba kana dun, nag handa ako ng almusal niyo ni Lerin." Sabi ni tita sabay sara ng pinto ko.

Hay buti naman naka lusot ako.

Dumeretso ako ng cr at saka naligo at nagbihis, nandito si tita ng walang pasabi, papasok tuloy ako ng di oras.

Bumaba ako ng hagdan ng makita ko si tita at oppa, pati na rin ang pinsan kong si Bryze.

Mag ka schoolmate kami ni Bryze, section 5 ako which is last section, at section 1 naman siya.

Alam kong tamad ako kaya napunta ako sa lowest section pero ok lang yun.

Grade 9 pa lang naman, alam kong nasa higher section naman na ako sa grade 10. At 2 weeks na lang naman bakasyon na.

Nagkasabay kami sa pagkainan nila tita.

"naayos mo na ba yung mga requirements mo Lerin?" Tanong ni tita kay oppa.

"Opo tita." Sagot naman ni kuya.

"Dadating eomma niyo dito bukas kaya Lerin, sunduin niyo siya sa airport. Para mapaghandaan niya ang moving up ceremony mo " sabi naman ni tita kay oppa.

Gheeezz i hate it, ayoko.

Ayoko na nandito si eomma o kahit si abeoji.

Ayoko na may nangengeelam saakin, ayoko na may nagdidikta sa buhay ko.

Pero mas gusto kong si eomma lang umuwi, wag si abeoji

Natapos kaming kumain nang tahimik lang.

Boring pero kailangan kase nandito si tita.

"Mag ingat sa pag dridrive Lerin, ingatan mo si Bryze, WAG KA NG GAGAWA NG KAHIT ANONG KALOKOHAN SA SCHOOL NIYO MAMAYA UNO!" matigas na sambit ni tita pagdating saakin.

Sinara ko na yung pinto ng kotse.

"Pagpasensiyahan mo na si eomma dongsaeng" sabi ni Bryze saakin na parang ngayon lang talaga nakapag salita simula kanina.

"Alam ko naman at sanay na ako." Sabi ko naman na ikinatawa naming dalawa.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon