Chapter 8: Graduation's surprise

28 2 0
                                    

Uno's POV

Grabe nakatulog pala ako.

Nasa mansion pa rin pala ako.

Inikot ko ang paningin ko, tanging ako lang ang gising.

Kaso.

Wala si Riven.

Di ko na siya inintindi, baka isa sa mga kwarto ito natulog.

Lumabas ako at nagpahangin, nandito ako ngayon sa duyan.

Totoo ba ito?

Isa na akong assassin?

Kung panaginip man to, ayoko ng magising.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang paligid, ang saya, ang mansion na ito na napapaligiran ng mga bulaklak.

Ang amoy ng kalachuci, ang ganda ng kulay ng naghalong qsul at pula na rosas.

But all went black.

"Sino ka?" Tanong ko sa nagtakip ng mga mata ko.

Kahit na nandito ako sa mansion di pa rin pala ako pwede maging kampante, pwede pa rin na mayroong magtangkang pumatay saamin.

Gagawa na sana ako ng hakbang ng matakot siya na pwede kong gawin.

"Chill." Rinig kong sabi niya.

"Riven" sambit ko ng makilala ko ang boses niya.

Ningitian lang niya ako at umupo sa tabi ko.

Hindi ako komportable.

Di ko alam ang gagawin o irereact ko.

Di ako sanay na kinakausap ako ni Riven.

Naisip ko nanaman yung sinabi saakin ni King.

"wag kang magpakatanga, alamin mo kung mahal mo talaga o nakita mo lang ang hinahangad mo sa kanya."

Mahal ko ba talaga si Riven o nagustuhan ko lang siya?

Pero ngayong magkasama kami ni Riven, mas hinahanap hanap ko na si King.

Naramdaman ko yung importansiya niya sakin.

"Bakit mo ko nagustuhan?" Tanong niya saakin.

Di na ako nagulat sa tanong niya dahil kampante na ako na wala ng ibig sabihin ito.

"Ewan ko din eh, basta gumising ako na gusto na kita." Sagot ko.

Ilang segundo din kami natahimik.

"Alam kong may dahilan" sabi naman nito.

"Yung totoo? Nasayo kase lahat ng hinihiling ko, nasayo lahat ng hinahanap ko, pero napaisip ako. yung gusto ko nga ba yung makakabuti saakin? Yung gusto ko nga ba yung nararapat para saakin? Kakatingin ko sa gusto ko, di ko napapansin yung grasya na lumalapit sakin. Muntik ko pang mapakawalan." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

At alam kong alam niyang si King ang tinutukoy ko.

"Gusto mo na nga siya no?" Tanong nito.

"Mahal ko na siya." Sagot ko.

"Pero hindi sapat yung panahon para nasabi mong gusto mo siya." Sabi nito.

"Pero sapat na yung nararamdaman ko kung ikukumpara" sagot ko.

"Siguro nga naging tanga din ako, pero sa panahon na to, bigo nanaman ako, di ko minahal yung taong nagmamahal saakin ng totoo, di ko pinansin yung taong kaya ibigay saakin lahat. Di ko pinahalagahan ang taong nag bigay sakin ng halaga. Uno, alam kong huli, na, pero sana hayaan mo ko ipadama sayo na ako'y napamahal na talaga." Sabi niya.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon