King's POV
Sobrang saya ng gabing naka sama ko si Lady.
Kahit masakit na lagi siyang nasasaktan dahil kay Riven ayos lang.
Kahit ilang beses ko siyang titigan, habang tinititigan niya si Riven, ayos lang.
Dama ko yung sakit na nararamdaman niya ng dahil sa kakambal ko.
Sana ako na lang.
Ano kaya feeling kapag ako naman yung minahal niya?
Natapos yung gabing iyon na napasaya ko naman siya.
Ilang araw kaming magkasama, at nung dinala niya ako sa church nila, sobrang saya ko. Yung feeling na kaya ka niya ipakilala sa Panginoon. Yung feeling na para ka niyang pinapakilala sa magulang niya, ganun kasaya.
Na kahit ano pang ipakain niya sakin ayos lang, makita ko lang siyang masaya, buo na ulit ako.
Pero, ngayon.
Ngayon na nalaman kong assassin na siya.
Matatanggap pa kaya niya ako?
Matatanggap pa kaya niya pag lilihim ko sa kanya?
Natapos na ang celebration ng pag wewelcome namin sa kanya.
"Sky" bulong ko ng makatulog siya sa sofa habang ako pinagmamasdan ang mala anghel niyang mukha.
Nakatulog siya dahil sa labis na antok, hindi tulad ni Cat at Star na nakatulog na dahil sa kalasingan.
Tulog na din si Killer, Guardian, Black at Lord.
Kinumutan ko si Lady at sa lapag naman ako natulog.
"Inagaw mo na sakin lahat!" Sigaw ni Riven.
"Wala naman akong inaagaw sayo eh!" Sigaw ko naman sa kanya pabalik.
"Ng dahil sayo iniwan kami ni eomma ko! Di ka niya mahal! Iiwanan niya kayo para saamin ni appa!" Sigaw nanaman sa akin ni Riven.
Tila kami ay mga batang gusgusin, humahagulgol at para lamang nag aagawan ng laruan.
"Mga bata! Ang eomma niyo!" Natatarantang tawag saamin ng maid namin.
"Eommaaaaa!" Patakbo kami pumunta ni Riven kay eomma, duguan, at wala ng malay na babae.
May laslas sa kamay.
Namumutla na siya.
Huli na ng makarating ang ambulansiya.
Wala na siya.
Iniwan na ako.
Iniwan na kami.
Nagising ako na madilim pa.
"Sky?!" natatarantang pagtatawag ko sa kanya.
Wala siya sa sofa.
Nag ingat ako sa pag kilos para di na mabulabog ang iba naming kasama.
Hinanap ko si Sky sa taas, sa mga kwarto, dahil baka gusto lang niyang matulog ng maayos.
wala.
Tinignan ko na rin sa kusina pero wala.
"Sky?" Muling pagtatawag ko.
Nawala yung kaba ko ng makita ko siya sa duyan, pero sumikip ito ng makita ko siya, kasama si Riven.
Nanatili ako sa pwesto ko, nakikinig sa kanilang dalawa.
"Bakit mo ko nagustuhan?" Tanong ni Riven kay Lady.
"Ewan ko din eh, basta gumising ako na gusto na kita." Sagot naman nito.
Di na ako nakinig pa at tuluyan ng umalis.
Kilala ko si Riven, gagawin niya lahat makuha lang ang mga importante saakin.
At sa pagkakataon na ito, gagamitin niya ang kahinaan ng taong mahal ko.
Para lang makaganti saakin.
Pumasok ako sa mansion at nanatili sa kwarto ko.
Nakatingin lang ako sa kisame habang nag iisip.
Bakit?
Bakit si Lady pa?
Alam kong pagkatapos ng pag uusap niyo nasa kanya kana.
Siguro nga di ko mapipilit na ako na lang mahalin mo.
Siguro nga wala talaga akong pag asa sayo.
Masakit kaseng isipin na mas sasaya ka sa kanya.
At mas masakit isipin na hindi ako yung mahal mo dahil siya nga talaga.
BINABASA MO ANG
The Gangster In Disguise
Teen Fictionpaano kapag ang minahal mong babae ay mas siga pa sayo? paano kung yung babaeng iyon ay hindi yung pinapangarap mo. mamahalin mo paba?