Mabilis na naligo si Mella at dali-daling nagbihis ng damit na basta niya lang hinugot mula sa kanyang cabinet. Hindi na siya nag-abala pa na magsuklay, magpulbo o ano pa man at dali-dali siyang bumaba sa kanilang living room.
Naabutan niya roon ang mga magulang niya, kasama and kapatid niya at si Calix na buhat ang anak ng mga ito na si Cash, sina Marky, Ailee, Vaughn, Michelle at Connor. Nagtatawanan ang mga ito pero natigil nang dumating siya.
"Mella, ano ba iyang itsura mo?!" bulalas ng kanyang Mama.
She tried not to roll her eyes and walked heavily towards Connor who's eyeing her amusingly. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papunta sa garden nila.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" she asked, almost shouting.
Ipinasok ni Connor ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon nito at nagkibit-balikat. "You're mom invited me. You can't possibly think that I would say no?"
"Well, you should! Dapat huminde ka!"
Connor smirked and stood straight. Nakayuko ito bahagya dahil mas hamak na mas matangkad talaga ito kumpara sakanya.
"Well, sorry Mella. It's too late, nandito na ako and your mom loves me."
Napanganga siya sa sinabi nito. She gritted her teeth. Akmang sasapakin na niya ito nang mabilis itong nakailag sa pag-atake niya.
Connor chuckled while shaking his head. "You need practice."
She tried to free her arm from his grip but Connor is much more stronger than her. "Let go!"
"Ayaw."
"Connor!"
"Say please."
"Ulol!"
"Then I won't let you go."
She groaned in frustration and tried hard to free herself but what he did next made her stop from wriggling. Connor suddenly stroked her hair using his own fingers, combing and smoothing her locks in between his long fingers.. ano ba naman ito?!
"A-Ano ba?!"
"Naligo ka ba talaga? Ang oily ng buhok mo." He whispered and laughed then he let go of her.
Lalong nagpuyos ang galit niya rito. Mabilis ang naging galawa niya at sinabunutan ito dahilan kung bakit napayuko ito ng husto at pilit na inaalis ang hawak niya sa kanyang buhok.
"Hayop ka talaga! Nakakainis ka! Umalis ka na!"
"Aray! Mella, masakit na!"
"Wala akong pakealam, gago!"
"Mella!"
Agad siyang natigilan nang marinig ang boses ng Papa Mico niya. Habang hawak parin ang buhok ni Connor, napalingon siya sa may sliding door nila at nakita roon ang Papa niya na nakasimangot sa kanya, nasa likod nito ang Mama niya na ganoon din ang itsura at ang mga nakangising mga kaibigan nila.
"Tinuruan ba kita na manakit ng kapwa? Let go of Connor's hair!" utos ng Papa niya.
Parang napaso siya sa inutos ng Papa niya at mabilis na binitawan ang buhok ni Connor. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa likod niya, handa na sa galit ng Papa niya.
"Okay ka lang ba, Connor?" tanong ng Mama niya.
Hindi niya nilingon si Connor pero ramdam niya na nakatingin ito sa gawi niya.
"Okay lang po ako. Nagbibiruan lang po kami ni Mella. Medyo inaasar ko rin po kasi siya. Sorry po, it's really my fault."
Gusto niyang umismid. Nagpapaawa pa talaga ito sa mga magulang niya! Galing galling umarte!
"Tara na at handa na ang hapunan."
Walang nagsalita sakanilang lahat at nasunod nalang sa mga magulang niya. Natahimik siya dahil takot talaga siya sa Papa niya. Kahit pa gaano ka-cool ito, iba pa rin magalit ang isang Mico Illustre. Kahit nga Mama niya na sobrang tigas din ng ulo, tiklop din minsan sa Papa niya, sila pa kayang mga anak?
Tumikhim si Marky nang marealize na ang tahimik nila. "Iba talaga maglambing si Mella, nananakit talaga."
She was about to take a spoonful of her food when Marky decided to throw a comment. She glared at him but the shithead doesn't want to meet her eyes.
"Akala ko talaga kayo ni Mella ang magkakagustuhan eh." Biglaang komento ng Mama niya na napaubo sakanya. Binigyan naman siya ng tubig ni Michelle na siyang katabi niya habang si Marky naman ay tawa ng tawa.
"Naku tita, no offense po pero hindi ko type si Mella."
She scoffed and glared at Marky. "Akala mo naman din, type kita? Asa ka naman!"
"Eh di maganda, the feeling is mutual." Tawa ni Marky,
Napailing nalang ang iba nilang kasama sa lamesa. Sanay sa lagi nilang bangayan ni Marky. Hindi talaga niya aakalain na nagka-crush siya sa gagong lalaking nasa harapan niya. Mabuti nalang at nauntog talaga siya.
"So Connor.." panimula ng Mama niya.
She groaned. "Ma!"
"Sssh!" suway sakanya nito at binalingan si Connor muli. "Taon na rin kayo magkakilala ni Mella, 'di ba?"
Uminom ng tubig si Connor bago maligalig na sinagot ang Mama niya. "Opo."
Ngumiti ang Mama niya rito. "Nililigawan mob a ang anak ko?"
She choked even though there's nothing in her mouth. "Ma!"
Tawa naman ng tawa ang mga kaibigan nila habang ang Papa niya naman ay naghihintay ng sagot mula kay Connor.
"Hindi niya ko nililigawan!" sagot niya.
"Ikaw ba si Connor?" taas kilay na baling ng Mama niya sakanya.
Wala siyang nagawa kundi manahimik pero gusting-gusto niya sumabat lalo na't nananahimik ang mga kaibigan niya! Pati ang kapatid niya wala man lang sinasabi!
"Ano, hijo?" udyok ng Mama niya.
Nangiti si Connor. "Hindi po tita. Magkaibigan lang po kami ni Mella."
Natuwa naman siya at naisipan ni Connor na huwag magloko at magsabi ng katotohanan.
Mukhang nadismaya naman ang Mama niya. "Hindi mo rin ba gusto si Mella?"
"Ma! Tama na, para naming binubugaw niyo ko!"
"Quiet, Mella!" inis na sabi sakanya ng Mama niya.
"Huwag mo nga sagutin mga tanong ng Mama ko!" inis na sabi niya kay Connor pero ang lalaki ay hindi siya pinakinggan at sige sa pagsakay sa pa-question and answer ng Mama niya!
"Gusto naman po, tita."
"Eh ba't hindi mo siya ligawan?"
"Ma! PA! Ano ba iyan si Mama!" naghihisteryang sabi niya. Binalingan niya ang Ate Elisha niya na tatawa-tawa lang. "Ate!"
Natawa si Connor at sinagot pa rin ang tanong ng Mama niya. "Eh ang tanong po ay kung magpapaligaw po ba si Mella?"
Then suddenly all eyes are on her. Natigilan siya at walang maisagot. Nakita niyang nakangisi si Connor, masaya na sakanya ngayon ang atensyon na siya ngayon ang nasa hot seat at hinihintay ang sagot niya.
Shit ka, Connor!
BINABASA MO ANG
Crossing the Line
General FictionBarkada Babies Series #7 "I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that line. But still, I crossed the line. I stepped over the boundary and I just have to face the consequences." - Mella Illustre