Seventeen

11.5K 590 43
                                    

Late na nagising si Mella kaya naman nagkukumahog siyang kumilos dahil late na siya sa kanyang trabaho. Mamaya pa naman ay may darating siya kliyente na interesado sa mga woodcarvings niya.

Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Simpleng tshirt at faded jeans ang isinuot niya, itinali niya ang buhok kahit medyo basa pa, tapos huli niyang sinuot ang sapatos niya. Halos takbuhin na niya ang hagdan nila pababa.

Dumaan siya sa kusina para uminom sandali ng gatas. Naabutan niya roon ang Mama niya na naglalagay ng mga tupperwares na may lamang pagkain sa isang lunch bag.

"Good morning!" masayang bati nito sakanya.

"Morning, Ma!" mabilis na bati niya rito at diretsong pumunta sa ref nila para tumungga ng gatas mula sa karton.

"Mella! May baso tayo!" sita sakanya ng Mama niya.

Pinigilan niyang mapa-irap. Konti nalang naman laman nung gatas sa karton kaya inubos niya na para maitapon sa huli

"Una na po ako. Bye!" sabi niya at humalik ng mabilis sa pisngi ng ina. Paalis na sana siya nang pigilan siya nito.

"Dalhin mo 'to." sabi ng Mama niya at inabot ang lunch bag na may mga lamang pagkain.

Kumunot ang noo niya. "Para kanino 'to?"

"Sa'yo.."

Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Her Mom never bothered packing lunch for her aftet she graduated from high school.

"..and Connor." she added with a wide grin on her face.

She groaned in annoyance. Ever since nagpunta si Connor sa bahay nila, walang ibang bukambibig ang Mama niya kundi ito. Kung hindi niya lang kilala ang Mama niya ay baka isipin niyang may gusto ito kay Connor, but it's impossible because her Mom is crazy as shit inlove to her Dad.

"Busy 'yon, Ma. Nag-aaksaya ka lang ng pagkain. Akin nalang 'to lahat."

Pinalo siya ng Mama niya sa braso. "Bigyan mo si Connor! Idaan mo iyan sa clinic niya!"

She rolled her eyes and mumbled a yes. Ayaw naman na niya makipagtalo pa dahil late na siya. Sumakay siya sa kotse niya at tinungo na ang workshop niya.

Saktong pagdating niya, sinalubong siya ng kanyang interns. Tumanggap kasi siya ng mga estudyanteng naghahanap ng mga OJT nila, kahit pa na she works alone, she still opened her doors for students. Apat ang tinanggap niya na galing sa iba't ibang unibersidad.

"Good morning po, Miss Mella." bati ng mga ito sakanya.

Nginitian niya ang mga ito. "Good morning. Kumain na ba kayo? May dala akong pagkain, tara at paghatian natin."

Pumunta sila sa maliit na kusina ng workshop niya at doon nila pinagsaluhan ang pagkaing inihanda ng Mama niya. Bahala na iyong si Connor, mayaman naman iyon, kayang-kaya bumili nun ng sariling pagkain niya.

Nag-usap silang lima tungkol sa trabaho at iba pang mga bagay. All of her trainees are taking up Fine Arts, just like her. Hinahayaan niya ang mga ito na lumikha ng sariling mga obra, nagbibigay siya ng mga tips sa mga ito tapos ay tinuruan niya rin ang mga ito ng iba pa tulad ng pottery. Idinidislplay niya ang mga gawa ng mga ito sa showroom niya at nilalagay din niya sa website ng shop niya.

Sabi niya kung maibenta, ang kikitain nun ay ibibigay niya ng buo sa gumawa kaya ganon kapursigido din ang mga ito na pagandahin ang mga gawa.

Sumapit ang 10am nang dumating ang kliyenteng hinihintay niya.

"Your works are phenomenal, Miss Illustre. Nang makita ko ang wooden sculpture mo sa bahay kaibigan ko ay napahanga mo na ako." sabi ni Mr. Fullido.

Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon