Eighteen

14.1K 603 78
                                    

Pinatigil niya ang sasakyan ni Connor nang makita niya ang pares at mamihan na madalas niyang kainan sa tuwing nagugutom siya.

"Dito? Akala ko ba gutom ka? Dapat kanin kinakain mo." sabi nito nang makababa sa kotse.

"Masarap dito! The best ang pares ni Mang Pepeng!" sabi niya at nauna na maglakad papunta sa maliit na kainan na may mga lamesa at upuan lamang sa tabi ng kalsada na nasisilungan ng malalaking tolda.

"Oh, Mella! Nandito ka nanaman?" natatawang bati sakanya na si Mang Pepeng.

Lumapit siya at naamoy niya kaagad ang mabangong sabaw na niluto ni Mang Pepeng. Bigla tuloy kumalam kaagad ang tiyan niya.

"Syempre naman Mang Pepeng! Loyal ako sa pares ninyo!" sabi niya at tinignan ang iba pa nitong tinda.

Tumagos sakanya ang titig ni Mang Pepeng. "Hi ser! Welcome! You want mami? Our pares is so delicious! Jose! Asikasuhin mo iyong customer!"

Napalingon siya at nakitang dinaluhan ng pamangkin ni Mang Pepeng na si Jose si Connor na mukhang naiilang. Mukha kasi itong dayuhan. Mestizo si Connor, at iba rin ang hulma ng mukha, sobrang tangos ng ilong nito, maputi, makakapal ang kilay at iba ang hugis ng mga mata. Para talagang banyaga kung tignan. Ang alam niya ay half-Spanish ang Mama nito pero hanggang doon nalang ang alam niya.

Sinandal niya ang mga siko sa lamesa at aliw na tinignan si Connor na kinakausap ng baluktot na ingles ni Jose.

"Ser! Our mami is special just like you ser! We hab pares too! Whatchu want ser?" maligalig na tanong ni Jose kay Connor.

Napakamot nalang ang huli at tinignan siya na parang nanghihingi ng tulong. Doon na siya napatawa ng malakas sabay palo pa sa hita niya. Tumalim ang mga tingin ni Connor sakanya.

"I'll have what my girlfriend will have." sabi ni Connor kay Jose.

"Gerlpren?" ani Jose na tila naguguluhan. Tinignan nito si Mang Pepeng. "Tiyo! Ano raw sabi? Gerlpren lang naintindihan ko!"

Ngumiti si Connor at sa gulat niya ay 'di siya kaagad nakaiwas nang ipalibot nito ang braso sakanyabg bewang.

"Mella. She's my girlfriend." ngising-aso sabi ni Connor.

Nanlaki ang mga mata niya at malakas na pinalo ang dibdib nito. Ay! Matigas!

"Huy! Ano'ng sinasabi mo diyan?"

"Ay ikaw pala, Mella ha! May nobyo ka na pala. Akala ko tibo ka eh!" halakhak ni Mang Pepeng at binalingan si Connor.

"You.. her.. nice choice brader!" sabi ni Mang Pepeng kay Connor na may kasama pa na thumbs up.

"So what's your best seller?" tanong ni Connor.

Pinaikot niya ang kanyang mga mata. At pinanindigan talaga nito ang pag-iingles!

Nakita niyang nahihirapan mag-explain si Mang Pepeng kaya naman nagsalita na siya.

"Magtagalog ka nalang Mang Pepeng. Nakakaintindi at nakakapagsalita iyan ng Tagalog." sabi niya. "Basta sa'kin ho eh iyong usual na order ko. Pakidagdagan nalang ng penoy!" sabi niya at naupo na sa bakanteng pwesto.

She heard Connor say that he'll have what is hers before following her.

"So, girlfriend.." panimula ni Connor na nakakuha ng tadyak mula sakanya.

"Huwag mo ko anuhin, Connor lalo pa't gutom ako!" pagtataray niya rito.

Natawa ito sa reaksyon niya. "Ano'ng anuhin? Inaano ba kita?"

Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon