Days passed so quickly that Mella forgot about the party Dazzle is throwing tonight. She had bulk orders for furnitures for a resort. She even had to postpone her appointment with Connor's friend for the unit she's been eyeing.
She's focused on the list she's holding while her interns are arranging all the paintings, furnitures and vases that are ready to be picked up.
"I have your gown."
"Uy, Doc Pogi!" bati ni Heather sa kararating lang na si Connor.
Hindi niya tinignan si Connor dahil dino-double check niya ang listahan niya. Hindi pwedeng may magkulang doon dahil malayo pa ang paghahatiran ng mga ito.
"Paki-lagay sa office, Con." sabi niya at binalingan ang interns niya. "River, Greyson, ingat sa vases ha!" paalala niya nang makitang buhat ng dalawa ang isang malaking vase at binabalot ng makakapal na bubble wrap.
"Kumain na ba kayo? May dala akong pizza." rinig niyang tanong ni Connor sakanila. Doon lang niya naalala na hindi pa sila nagbe-break simula nang mag-lunch sila kanina. It's already four pm, baka gutom na ang mga interns niya.
"Break muna tayo, guys." anunsyo niya sa lahat. Sila Morgan at Heather ay pumunta na sa lamesa kung saan nandoon ang dalang pizza ni Connor. Sumunod lang sila River nang matapos balutin ang vase.
"Thank you sa pizza. Nakalimutan ko na hindi pa pala kami nagbe-break simula kaninang lunch."
Connor nodded and took a slice of pizza and handed it to her. "Ano nalang gagawin mo kung wala ako." naiiling na sabi nito sakanya.
"Kaya sayo kami, Doc Pogi eh." natatawang sabi ni Morgan at nag-finger heart pa nga.
Nailing lang siya nang patulan iyon ni Connor at nag-finger heart din doon sa bagets.
"Sabi pala ni Tita Colyn na sukatin mo agad iyong gown para kung sakaling maluwag o masikip, maayos niya kaagad."
"Okay na iyon. Kasya naman iyon siguro." sagot niya. Kumuha pa siya ng isa pang pizza nang maubos ang binigay ni Connor.
"Ayan, gutom na pala hindi man lang naisip kumain. Dinamay mo pa mga interns mo sa fasting mo diyan."
"Daming ebas naman." naiinis na sagot niya rito.
She was thankful for Connor though. Kung hindi pa ito tumawag kagabi sakanya about sa party ni Dazzle ay hindi niya iyon talaga maaalala. Mabuti nalang at nandiyan ang nanay nila Calix at Calvin na si Tita Colyn at may mga ready to wear gowns sa kanyang boutique.
Connor volunteered to have it pick up earlier because she was busy at her workshop. Kung tutuusin, dami na nga niyang utang sa lalaking ito. Libre nalang niya siguro after nitong project niya sa resort. After naman nito, maluwag na ang schedule niya.
The night came and thankfully all of their products were shipped out. Sana lang ay walang damage pagdating sa client.
Hindi na din siya umuwi dahil hassle at hindi niya dala ang kotse niya. Ayaw niya din istorbohin si Connor na ihatid siya pauwi dahil ito din ay mag-aayos pa para sa party. Sa opisina nalang siya naligo at nag-ayos. Wala naman siya balak mag-ayos ng todo dahil tinatamad siya. Nag-apply lang siya ng light make up and tied her hair into a high ponytail, just like what Tita Colyn instructed on her message to her a while ago.
Tita Colyn gave her a thin strapped matte gold silk dress that hugs her upper body just right and flows freely all the way down. It has a V-line cut on the front and showed half of her back which explains why she wanted her hair tied into a ponytail.
BINABASA MO ANG
Crossing the Line
General FictionBarkada Babies Series #7 "I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that line. But still, I crossed the line. I stepped over the boundary and I just have to face the consequences." - Mella Illustre