Twenty Four

4.8K 250 90
                                    

"Thank you for coming with me."


Napatingin si Mella kay Connor nang bigla itong magsalita sa tabi niya. Matapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang maglakad-lakad. Isang buong kalye ang napapalibutan ng maliliwanag na ilaw kaya buhay na buhay tignan ito. Idagdag pa na maingay dahil sa dami ng tao na dumadayo at namamasyal din tulad nila.


"As if naman may choice ako."


"You always have a choice. Hindi naman kita pipilitin talaga na sumama sakin. Makulit ako pero hindi ako namimilit kapag ayaw." seryosong sagot nito.


Awkward na natawa siya. "Hala siya, bakit bigla ka naman diyan nagseryoso? Okay lang ano ka ba. Magkaibigan naman tayo." Connor gave her a small smile and continued sipping his drink while listening to her. "Tsaka, sorry talaga kay Mama. Ewan ko ba doon at binubugaw ako sayo. Ilang beses ko na sinabi na friends lang tayo tsaka wala akong plano magboyfriend muna nga kasi."


"Why?"


Natigil siya sa paglalakad. Kumunot ano noo niya dahil sa tanong ni Connor. "Ano'ng why?"


Connor matched her stare. "Why don't you want to have a boyfriend?"


Matagal bago niya ito sinagot. Tinatantya niya kasi kung may kasunod na biro iyong tanong nito. Knowing Connor, he's so playful when he's with her.


"Ewan. Ayoko lang. Hassle, ganon. Ah, basta."


"Paano mo naman nasabi? Did you had a boyfriend before for you to know that it's going to be a hassle to have one now?"


Kinagat niya ang straw habang binabasa ang mukha nitong si Connor. Mukha naman itong seryoso at sadyang curious lang pero nakakapanibago na nag-uusap sila ng matino nito.


"Wala pa." sagot niya.


Nagsalubong ang mga kilay ni Connor, halatang naguluhan sa sagot niya. "Ano?"


Huminga siya ng malakas. "Wala pa akong nagiging boyfriend!" sagot niya at mabilis itong tinalikuran. Nginatngat niya ang straw sa bibig habang naglalakad. Alam niya na nakasunod sakanya si Connor pero bigla nalang siya tinubuan ng hiya nang umamin na hindi pa siya nagkakaboyfriend.


Eh bakit ba? Sa hindi naman siya gaano ka-interesado sa lalaki talaga. Busy siya sa trabaho niya kaya wala siyang oras makipagdate o lumandi. Si Marky ata talaga iyong tanging lalaking masasabi niya na nagkagusto siya eh.


Napatigil siya nang pigilan siya sa braso ni Connor. "Saan ka pupunta, wala ng mga stalls diyan."


"Eh saan ba kasi tayo pupunta? Lakad lang tayo ng lakad. Nangangawit na ako!" reklamo niya para na rin mawala ang pagkapahiya niya.


Connor laughed and led her to a bench nearby for them to seat. Mabuti nalang at hindi na rin nito brining-up pa ang topic kanina about sa kawalan niya ng love life.

Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon