"Tao po? Multo po? Aswang po?"
Naiiritang tinakpan ni Mella ang ulo niya ng kanyang unan dahil sa malakas na boses sa labas ng kwarto niya. She groaned in irritation when that voice came closer to her door.
"Tao po!!!!" malakas na sigaw ng nasa labas ng pinto niya at sinabayan pa ng malalakas na mga katok.
"Mella!!! Labas ka na!!"
"Pakingshet ka talaga Montello.." galit na bulong niya sa sarili habang pilit na bumangon para patigilin si Marky sa labas.
Padabog niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya at masamang tinignan si Marky na malaki ang ngisi ngayon sa mga labi na tila ba nasisiyahan at nabulabog nito ang pagpapahinga niya.
"This better be good kung hindi sasapakin ko talaga iyang mukha mo!" galit na sabi niya rito.
Kakauwi niya lang galing sa tatlong araw na pagsstay nila sa Puerto Galera. Sandali lang sila dahil may mga trabaho pa sila. Marami pa siyang trabaho kaya hindi rin naman siya pwede magtagal. Nag-water sports lang sila ng umaga tapos ay kumain at nag-ayos para makauwi. Nakauwi siya sa kanila ng mga bandang alas sais na ng gabi. Sobrang sakit ng katawan niya dahil sa lecheng flying fish at crazy UFO na iyan. Hindi na talaga siya magpapauto kay Connor at Cross. Never again.
"Chill. Aga-aga ang aburido mo," natatawang sabi ni Marky.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Alas otso na. Pagod ako, wala pa akong maayos na tulog kaya pwede ba lumayas-layas ka na sa pamamahay ko."
Marky made a buzzing sound. "Wrong. Pamamahay nina Tito Mico 'to, border ka lang."
She gritted her teeth because she's really pissed right now. "Nasaan ba si Moana? Bakit hindi nalang siya ang inisin mo?"
"Hindi maiinis sa'kin iyon. Love ako nun eh."
"Go away."
"Alis tayo!"
"Go. Away."
"Bakit baa ng aburido mo?"
"Bakit ba ang kulit mo?"
Natawa si Marky sa palitan nila ng salita. "Alam mo, you really need a boyfriend."
She raised her middle finger at him but Marky being Marky, he just laugh it off. "See? Wala kang sweetness diyan sa katawan mo."
Poker face niyang tinignan ang kaibigan at isasara na sana ang pinto nang mabilis nito iyon pigilan. "Uh-uh. Aalis tayo whether you like it or not. Hinihintay na tayo ng barkada."
She sighed heavily. "I'm tired. Kauuwi ko lang at ang sakit ng katawan ko, okay?"
Marky gasped. "Ano'ng ginawa sa'yo ni Connor sa Galera at masakit ang katawan mo?"
"Pinaikot niya ko sa UFO at pinalipad."
Malakas na tumawa si Marky. "Tangina!"
Isasara na sana niya ulit ang pinto nang pigilan iyon muli ni Marky. "Let's go, Mella. Birthday ni Connor, you have to celebrate with us!"
"Nacelebrate ko na kanina."
"But without us. Ano? Iwanan ng friends, ganoon na ba?"
She rolled her eyes at him. "I doubt Connor would go. Pagod din iyon."
Marky leaned on her door frame. "Wrong. He's already there."
She wants to escape from Marky's guard but who the hell is she fooling? No one escapes Marky's guard. Not even his girlfriend. Ang ending? Ayun at nakaladkad siya nito sa exclusive club na isa sa pagmamay-ari ng pamilya nila Calix.
BINABASA MO ANG
Crossing the Line
General FictionBarkada Babies Series #7 "I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that line. But still, I crossed the line. I stepped over the boundary and I just have to face the consequences." - Mella Illustre