Prologue

34.3K 940 160
                                    

"Sige pa, Thunder! Bilisan mo pa!"

Dumukwang si Mella upang haplusin ang leeg ng kabayong si Thunder bago tapikin ang magkabilang gilid nito gamit ang kanyang mga paa. Napahiyaw siya sa tuwa nang bilisan pa ng kanyang kabayo ang takbo.

Liningon niya ang likod niya at nakitang nangunguna nanaman siya sa kanyang ate na si Elisha. Lumaki ang ngiti niya nang siya ang maunang makarating sa mga stables.

"Good job, Thunder!" sabi niya sa kabayo niya. Walang hirap siyang bumaba mula rito at hinarap ito para haplusin ang mukha at ang buhok nito habang tinatanaw ang kapatid na papalapit na sakanya.

"I will never win against you." sabi ng Ate niyang si Elisha nang makarating ito. Wala rin itong hirap na bumaba sa kabayo nitong si Hellion.

"Practice ka pa kasi, ate." pang-aasar niya rito.

Inismiran lang siya ng kapatid tapos ay ginulo ang buhok niya.

"Yuck, Mel. Ang oily ng buhok mo. Kailan ang huli mo na ligo?" nandidiring sabi ni Elisha sakanya habang pinupunas nito ang kamay sa oversize na shirt na suot niya.

"Grabe ka. Kahapon lang ako 'di naligo."

Lumukot ang mukha ng kapatid. "Hanggang ngayon? Maligo ka na nga at isusumbong kita kay Mama. Darating na mamaya ang iba."

Pumalatak lang siya at iniwan nalang ang kapatid doon upang ihatid si Thunder sa stable nito. Pinakain niya muna ito tapos ay umuwi na siya sa hacienda. Nakasalubong niya ang Mama niya na kasana sina Tita Adie at Tita Mitch.

"Mella! Ano ba naman iyang itsure mo anak?" gulantang na tanong ng Mama niya sakanya.

Natawa lang siya at binati ang mga ito. "Kararating niyo lang po Tita?"

"Oo, kani-kanina lang. Nangabayo raw kayo ni Elisha?" Si Tita Erin ang sumagot.

Tumango siya. "Si Vera po?"

"Nasa kwarto mo. Inaantok at matutulog daw muna."

"Maligo ka na, Mella. Mamaya ay darating na ang iba." utos sakanya ng Mama niya.

Nagpaalam siya sa mga ito at pumasok sa hacienda. Summer break ngayon at nakaugaliang magpunta ang mga kaibigan ng mga magulang niya sa Rancho Illustre. Marami kasing beach na malapit sa rancho nila, may ilog at falls din na sakop ng lupain ng kanilang pamilya. Sakto rin na fiesta sa bayan kaya parang tradisyon na sakanila na magtipon dito sa Rancho nila.

"Hey, Mel. Patay ata wifi niyo?"

Natigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Marky na busy sa kakatingin sa phone nito. Bunsong anak ito nina Tito Marco at Tita Adie. Kababata niya ito.

"Edi buksan mo, alam mo naman kung saan at paano eh."

Nag-angat ng tingin sakanya si Marky at nang makita ang itsura niya ay malakas itong tumawa at nakuha pang kuhanan siya ng litrato.

"Tangina, ang panget mo. Mukha kang mabaho sa itsura mo." natatawang sabi nito.

Nginisian niya ito at mabilis na dinambahan. Hineadlock niya ito, making sure na tapat ang mukha nito sa kili-kili niya. "Gago, mabaho talaga ako!"

"Ano ba iyan! Tangina, Mella. Bitaw! Amoy kabayo ka!" naiinis na sigaw sakanya ni Marky.

Natatawang bumitiw siya rito. Malaking ngiti ang ipinakita niya kay Marky na ngayo'y ang lalim ng gitla sa noo. Halatang badtrip ito.

"Ayos ba?" tanong niya at itinaas-baba ang mga kilay.

"Tss." Ismid nito. "Panget mo. Maligo ka nga."

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang phone nito na mabilis nitong sinagot at inignora na siya.

"Hi babe! Yeah, sorry. Nakapatay kasi wifi dito.."

Hindi na siya nanatili doon at umalis nalang sa harapan ni Marky at hindi na pinansin ang kalandian nito.

May bago nanaman itong girlfriend. Ano ba bago dun? Kung 'di lang niya ito kilala, aakalain talaga niya na kapatid ito ni Isaac. Lebel na lebel ang kalandian ng dalawang iyon eh.

Pumasok siya sa kwarto niya at naabutan na natutulog ang bestfriend niyang si Vera sa kama niya kaya naman nag-ingat siya sa pagkilos upang hindi ito magising.

Nagbabad siya sa bath tub sandali at nirelax ang buong katawan niya. Nang maipikit ang mga mata ay nag-flash sakanya ang itsura ni Marky kanina habang may kausap na ibang babae sa phone nito.

Naupo siya ng tuwid at hinilamos ang mga palad sa mukha.

"Tigil ka na nga sa crush crush na 'yan, Mella. Hindi bagay sa'yo. Wala kang chance sa malanding 'yon." kausap niya sa kanyang sarili.

Huminga siya ng malalim at naligo na ng tuluyan na sana sa bawat agos ng tubig sa kanyang katawan, matangay nito ang matagal na niyang tinatagong pagka-crush kay Marky Montello.

-----

Oha oha.

Huwag muna kayo mag-assume mga beshy ha? 😂

COMMENT!

Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon