Mella bit her lip and muttered a silent curse when she realized what she said. She wants to slap her mouth. Kakasabi lang niya na hindi siya easy tapos ito siya at sinagot si Connor ng walang ligaw ligaw. Sino ba naman ang tanga? Edi siya!
"Tayo na?" Connor asked then he smiled and repeated what he said but it was not a question this time. "Tayo na."
"May.. may gagawin pa nga pala ako sa workshop!" nagmamadaling sabi niya.
"Mella!"
Hindi na siya lumingon pa nang tawagin siya ni Connor. Mabilis siyang tumakbo palabas at pinaharurot ang sasakyan niya palayo sa clinic ni Connor.
"Gaga ka, Mella. Malandi ka. Marupok ka!" sita niya sa sarili. Nakita niya si Connor sa rearview mirror na nakatingin sa papalayo niyang kotse. He was smiling, or was he laughing?
Suddenly, her phone rang and it was Connor. Hindi niya iyon sinagot kasi alam niya na wala siyang masasabi. Nakakahiya naman kasi! Bakit ba napaka-aggressive siya? Ano nalang sasabihin ng mama at papa niya? Ni hindi man lang siya nagpakipot pa!
And their friends! Ano kaya sasabihin ng mga iyon kapag nalaman nila ang kagagahan niya?
Natapos ang tawag ni Connor at maya maya ay nagmessage ito.
From: Connor De Castro
Drive safe! Pakakasalan pa kita soon. Walang bawian, we're official now.
See you tomorrow, girlfriend.
Girlfriend. She slapped her cheek hard and pulled herself together. Shet! May jowa na siya? At si Connor talaga? Kaibigan pa talaga niya!
Kailangan niya ata ng alak.
Dumaan muna siya sa isang convenience store at bumili ng alak tsaka siya umuwi sa condo at nilunod ang sarili sa alak habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw hanggang sa nakatulog siya sa sala niya.
She woke up the next morning with a heavy head. The last thing she remembered was fidgeting her phone.
Lalo pang sumakit ulo niya nang tunog ng tunog ang phone niya.
"Hello?" sagot niya kay Heather, isa sa mga intern niya.
"Good morning, Miss Mella? Hindi po ba kayo makakapasok ngayon?"
She looked at her wall clock and realized it 30 minutes past 10 in the morning. She massaged her forehead. "Papasok. Uh, mga 12 siguro nandyan na ako."
Kahit masakit ng ulo, mabilis siyang kumilos. Laking ginhawa nang makaligo siya. Kaya gusto niya itong nilipatan niyang condo unit dahil sobrang lapit lang nito sa trabaho niya. Kayang lakarin lang din.
11:30 ay nakarating siya sa workshop.
"Okay lang po ba kayo, Miss Mella?" salubong sakanya ni Heather. "Si doc pogi po pala dumaan kanina, hinahanap po niya kayo."
Tumango lang siya at dumiretso sa opisina niya. Ang sakit ng ulo niya. Uminom lang siya ng tubig dahil wala siyang gana kumain tsaka wala na din siya oras na magluto o bumili.
Hinihilot niya ang sentido niya nang bigla nalang pumasok si Connor sa opisina niya. He was crossing his arms and shaking his head.
"Sige, inom pa." sermon nito sakanya. Doon niya lang napansin na may hawak itong paper bag ng isang chinese restaurant. Naglabas ito ng laksa at dumplings. "Hindi ka pa kumakain, ano?"
She sighed and shook her head. She wanted to thank Connor pero naunahan siya ng gutom nang maamoy niya ang sabaw.
While she's drinking the soup, she couldn't help but sigh in relief.
"Girlfriend mo na ako. Boyfriend na kita."
She looked at Connor when he started reading something from his phone. "Naiinis ako sayo kahapon kasi ang landi mo. Ibalik mo na sakin si Choco, wala kang kwentang tatay, malandi! Hindi mo man lang ako niligawan."
Naubo siya nang marealize na sakanya galing ang mga texts na iyon! Damn, so that was what she was doing when she remembered earlier that she was doing something with her phone last night.
Mabilis siyang tumayo at pumunta kay Connor para agawin ang phone nito pero dahil mas matangkad ito sakanya, madali nitong itinaas ang phone habang patuloy pa din ito sa pagbabasa sa mga kagaguhan nanaman niya kagabi.
"Ah this one's funny." he said then started reading again. "Magbreak nalang tayo kung hindi mo ko itatag sa memes sa Facebook."
"Tangina mo, Connor! Tumigil ka!" sigaw niya dahil maski siya gustong masuka sa mga pinagsasasabi niya rito kagabi. Hindi niya na maalala mga pinagsesesend niya rito kahapon.
"Wait, babe. One last." sabi nito then he held her waist and kept her from her place and prevented her from moving.
Hindi na rin siya gumalaw kasi ramdam niya kung gaano sila kalapit ngayon. Yakapa na nga ata siya nito sa bewang eh, tangina bigla siya nakaramdam ng kilig. At ano daw? Babe? Nasusuka siya sa mga nagtatawagan ng mga ganon pero bakit iba kapag siya iyong sinabihan ni Connor?
"Akin ka lang."
Kumunot ang noo niya. Sinabi niya iyon? Gusto na niyang magpakain sa lupa!
"Hindi ko sinabi iyan!" tanggi niya.
Connor smiled and held her with both arms now placed on her waist. "Hindi nga. Ako ang nagsasabi nun sayo ngayon. Akin ka na, Mella. Akin ka lang."
She was lost for a moment in his eyes. Parang sa ilang segundo, tanging tibok lang ng puso niya ang naririnig niya.
"I like it when I say something that makes you shut up." Connor teased.
"Ah ganon—"
Nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya ni Connor bigla. It was a long peck on the lips. Napahawak siya bigla sa labi niya nang bumitaw ito.
"But I think I like this way even more to make your pretty mouth shut up."
"Did you...just kissed me?"
Connor tucked some hair behind her ear and caressed her cheek. "Yes. I know I should have waited but I just couldn't resist anymore."
"First kiss ko iyon.."
Wala sa sariling napakagat siya ng labi at nakita iyon ni Connor.
"Then, I should've done it better." sabi nito bago iniangat ang baba niya para halikan muli. This time it was a slow kiss. He nipped and suck her upper lip then moved to her lower and shit, he felt his tongue moving too. She tried so hard to copy him, moving her lips the same rhythm as his but she was just so lost.
"Sorry, hindi ako marunong." nahihiya niyang sabi nang bumitaw na ito sa halik. Ipinatong nito ang noo sa noo niya at hawak lang siya nito sa mukha. His thumb brushed her lips then moved his hand to her nape and snatched one quick peck again.
"Doesn't matter. You'll get used to it because I swear, there will be a lot of kissing in this relationship."
•••••
Sorry short update. Hindi ko na nadagdagan kanina kasi umalis ako hehehe
Hope you like it!
BINABASA MO ANG
Crossing the Line
General FictionBarkada Babies Series #7 "I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that line. But still, I crossed the line. I stepped over the boundary and I just have to face the consequences." - Mella Illustre