Four

14.5K 639 98
                                    

"Mellasog!"

Mula sa likod ng box na buhat ni Mella, tinignan niya ang tumawag sakanya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Lumapit sakanya si Marky na nakapamulsa sa jeans nito. "Inutuan ako ni Mommy na kunin daw iyong love seat na pinasadya niya?"

"Ah, oo. Nasa loob."

"Tara. Kukunin ko na at kinukulit na ako ni Mommy." sabi nito at nauna na sakanya maglakad papasok sa loob ng kanyang showroom.

Katabi lang ng workhouse niya ang showroom niya kung saan doon maayos na nakadisplay ang lahat ng mga gawa niya.

Napansin ni Marky na hindi siya sumusunod dito kaya siya nito nilingon. "Hurry up. May date pa kami ni Liza."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Baka naman gusto mo kong tulungan sa box na 'to? Nakakahiya naman kasi sa'yo." sarkastikong saad niya rito.

Natawa sakanya si Makry at tsaka siya nilapitan. Akala niya ay kukunin nito sakanya ang box pero ipinatong nito ang kamay sa ibaba nito na mas nagpabigat pa dahil idiniin nito ang hawak doon.

"Tangina mo talagang hayop ka!" sigaw niya rito at maagap na binalanse ang box na hawak niya.

"Chill, Mel." sabi nito tapos ay walang hirap na kinuha ang box sakanya at ito na ang nagbuhat nun.

"Tara na, magagalit nanaman sa'kin si Liza kapag nalate ako sa date namin." sabi nito at nauna na ulit sakanya maglakad. Inirapan niya ito kahit pa hindi na siya nito nakikita.

"Saan ko 'to ilalagay?" tanong sakanya ni Marky nang makapasok na sila sa showroom.

"Diyan nalang. Mamaya ko na aasikasuhin." sabi niya ng hindi ito tinitignan at dire-diretso sa love seat na pinagawa sakanya ni Tita Adie, ang mommy ni Marky at Ailee. Nakabalot na iyong para walang damage kapag idineliver.

"Ito na iyong love seat. Paano mo ilalagay sa kotse mo?" tanong niya rito.

"Kasya siya sa likod ng kotse. I-aadjust ko nalang iyong seats."

Tumango siya. "Kaya mo buhatin?"

Tinanggal ni Marky ang butones ng cuffs niya at itinupi ang sleeves hanggang siko. "Piece of cake."

Inismiran niya ang kaibigan. "Ang yabang mo talaga."

Marky moved closer to her and ruffled her hair. "Wala ka talagang tiwala sa'kin."

Tinabig niya ang kamay nito.

Marky looked at his hand then wiped it on her shirt. "Mel, kailan ka huling naligo?"

"Nung isang araw." ngisi niya rito.

Pumalatak si Marky. "You're gross."

"Para kang bading sa kaartehan mo."

Marky glared at her. "Halikan kaya kita nang malaman na'tin kung sino tinatawag mo na bading."

She made a face. "Ew. No, thanks."

Marky grinned at her and pinched her cheek. "You're right. You're pretty Mel, but definitely not my type."

Ouch naman. Sapakin ko 'to eh. Mabuti nalang at naka-move on na ako sa'yong hinayupak ka.

"Feeling's mutual."

Tumawa si Marky at nag-squat na para mabuhat ang love seat. "Help me?"

She smiled sweetly at him. "Ayaw. Ko." she answered and walked towards the exit while hearing Marky's grunts of protest.

Nakasandal siya sa kotse ni Marky habang pinapanuod itong hirap na hirap na binubuhat ang love seat. Sabi kasi nito kaya nito, kaya hinayaan niya.

Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon