PROLOGUE

4.5K 67 1
                                    

There's someone out there for me, I know she's waiting patiently, can you tell me her name? This lifelong search is driving me insane. How does she laugh? How does she cry? What's the color of her eyes? Does she even realize I'm here?

Where is she? Where is she? Where is this beautiful girl?

Who is she? Who is she? Who's gonna complete my world?

Pigil na pigil na kulbitin ni Zab ang babaeng katabi niya, nadi-distract siya sa ringing tone ng cellphone nito, mukhang kanina pa may tumatawag dito at natapos na ang buong kanta ng ringtone nito ay hindi pa rin nagigising ang babae, tulog na tulog pa rin ito.

Nasa isang subway train siya, isang linggo na siya roon sa Taiwan dahil sa imbitasyon ng kakilala ng kabanda niyang si Akira, patungo siya sa Filipino bar and restaurant doon kung saan sila tutugtog ng ilang araw.

Isinara niya ang librong binabasa niya pagkuwan ay sinulyapan ang maraming pares ng mga mata na kanina pa niya napapansin na nakatingin sa kanya.

Nang sulyapan niya ang mga pasahero ring tulad niya na nakaupo sa tapat niya ay mabilis ding binaling ng mga ito ang tingin sa ibang direksyon pero may ilan pa ring curious na nakatingin sa kanya, pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa, napabuntong hininga na lamang si Zab. Hindi na bago sa kanya ang ganong mga tingin ng mga tao.

For them she was freaking weird, hindi normal na tao, for them she looks like a crazy witch in the new generation.

Hindi naman niya masisisi ang mga ito, Bakit hindi? Sa suot niya ngayon ay tila pinabilis niya ang buwan at ginawa na niyang November, animo aattend lang siya ng holloween party, she wears full balloon black dress and black shoes with black and red accessories, she wears heavy black make up. She really looked like a rebel given her sense of fashion.

Her name is Izabhel Concovar, Zab for short, she was twenty eight years old and a full time musician; she was the vocalist of a female rock band, named the Black Chic.

Ganon siya araw araw kahit nasa bahay lang siya ay may nakalagay na make up sa mukha niya, itim na eyeliner, itim na lipstick.

Mas confident siya kapag ganon ang hitsura niya. Wala pa yatang nakakakita sa kanya na walang make up kahit ang kaibigan niyang si Anniza na kasama niya sa bahay niya.

Akala nga ng iba ay seryoso siya, masungit at suplada but she's actually a jolly person, makulit siya at palabiro, maingay at masiyahin. Marami nga ang nagkakamali sa kanya, marami siyang kaibigan at mga tunay na kaibigan.

Muli niyang ibinalik ang pagbabasa sa librong hawak, bukod sa pagkahilig sa musika at extreme sports, Zab loves reading books too. Iyon na ang kasiyahan niya kapag nabo-bore siya.

I'm staring up at the sky, praying that he will walk in my life, where is the man of my dreams? I'll wait forever how silly it seems.

How does he laugh? How does he cry? What's the color of his eyes? Does he even realize I'm here?

Where is he? Where is he? Where is this beautiful guy?

Who is he? Who is he? Who's gonna take me so high?

Muling naagaw ang atensyon niya sa ringtone ng babaeng natutulog, her ringtone was really distracting yet relate na relate siya. Sa edad niya ay kabilang pa rin siya sa mga NBSB, no boyfriend since birth.

Well, siya kasi iyong babaeng pihikan, iyong tipong naghahanap din ng dream guy katulad ng ibang babae.

Aaminin niyang hindi siya ligawin dahil sa kakaibang fashion sense niya pero may ilan namang nagparamdam sa kanya ng pag ibig subalit hindi naman niya gusto ang mga ito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon