CHAPTER TWENTY FIVE

2.9K 120 10
                                    

Ilang araw na ang nakalipas, sinusubukan pa rin ni Zab na makausap si Vash subalit halatang iniiwasan siya ng binata, oras oras yata ay nagpupunta siya sa unit nito dahil nagbabaka sakali siyang naroon na ang binata, baka maawa ito sa kanya dahil hindi lang yata treinta minuto siyang nagbabantay sa labas ng pinto nito, halos magkaroon na rin ng kalyo ang daliri niya sa kapipindot sa doorbell nito pero wala pa ring tugon mula sa loob ng unit nito.

Ilang beses na rin siyang nagpunta sa hospital kung saan ito nagtatrabaho pero nalaman niyang nakaleave pa rin ang binata, nalaman naman niyang nagresign na si Kara sa hospital at nasa ibang bansa na ang dalaga, balak sana niya itong kausapin dahil gusto niyang magpaliwag dito. Gusto niyang itama ang maling akala nito pero na siyang pagkakataon pa para depensahan ang sarili niya dito.

Sinubukan din niyang puntahan sa host club sa yashiro building ang binata pero ilang araw na rin palang hindi ito nakaka attend ng hosting event.

Dahil sa labis na kalungkutan ay napilitan siyang tumigil pansamantala sa pagtugtog, kinaya niya noon ang mawalan ng paningin at hindi niya sinuko ang pagkanta niya pero hindi ang pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay nawalan na siya ng gana pang mabuhay, nawala ang kaligayahan niya.

Ito na ang pangarap niya, ito na ang buhay niya, ito na ang mundo niya simula ng dumating ito sa buhay niya, ilang araw pa lang ang nakakalipas ay pakiramdam niya ay ilang taon na itong wala sa buhay niya, she miss him so badly.

Nang araw na iyon ay maghapon lang na nagkulong si Zab sa silid niya, maghapon na rin siyang umiiyak at nagmumukmok lang, hawak ang cellphone ay hindi niya tinantanang padalhan ng text messages si Vash, sinusubukan din niya itong tawagan subalit magpahanggang sa sandaling iyon ay patay ang cellphone nito.

Nabulabog ang pagmumukmok niya nang makarinig ng pagbukas at pagsara ng pinto, napabalikwas siya ng bangon sa kama, baka si Vash na iyon, baka nabasa nito ang lahat ng text niya at naniwala na ito sa kanya, baka namimiss na rin siya nito.

Alam naman nito ang code lock ng unit na iyon kaya malamang ay si Vash na iyon, umiiyak pa rin siya ng lumabas ng silid niya, nasa sala na siya nang makita niya ang matangkad na bulto na nagulat ng makita siya.

"Zab? What happened? Why are you crying?" sunod sunod na tanong ni Ian habang naroon ang matinding pag aalala.

Lalong napaiyak si Zab dahil hindi si Vash ang nakita niya kundi ang kapatid niya, binitawan nito ang mga dalang bag at mabilis na lumapit sa kanya para daluhan siya.

"Zab? What happened to you?" lalong umigting ang pag aalala ng kapatid niya

Yumakap na rin siya sa kapatid niya, masaya naman siya na nakita muli nito pero wala siyang panahon para ipakita dito ang pagsasaya niya, mas matimbang ang nadarama niyang kalungkutan.

"Ian..." tawag niya sa kapatid sa pagitan ng paghagulgol.

Matagal din bago siya napakalma nito, iniupo siya nito sa mahabang sofa at tumabi ito sa kanya, hawak nito ang dalawang kamay niya.

"Bakit ka umiiyak?"

Hindi na rin niya napigilang ikwento sa kapatid ang lahat dahil kahit papaano ay involve din ito sa kaso niya.

"What?!" gulat na bulalas ni Ian

"I'm sorry Ian, dahil sa'kin Malabo na rin kayong magkatuluyan ni Kara." Aniya habang umiiyak, umiling ito.

"Damn! Dapat noon pa ay hindi ko na pinayagan ang mga plano mo Zab, I'm so sorry, Ikaw pa tuloy ang naapektuhan." Anito

Niyakap niya ang kapatid, "Ian, mukhang naniwala siya kay Kara, oo aaminin kong ako nga ang nagpapadala sa kanya ng mga bagay na iyon pero hindi ko ginawa ang planong panlolokong ibinibintang niya sa'kin." Umiiyak din ang puso niya ng mga sandaling iyon, sumisigaw ng hustisya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon