CHAPTER TWENTY THREE

1.7K 35 1
                                    

"What are you doing?" nakangiting tanong ni Vash ng bumungad ito sa paningin ni Zab, nakasuot pa ito ng coat and tie.

"Nagbe-bake ng cake." Nakangiting sagot niya, "Saan ka galing?" tanong niya

"May dinaluhan lang akong seminar." Sagot nito, lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "You know how to bake?" manghang tanong nito habang nakatingin sa pagmamasa niya ng harina.

Tumango siya, "Oo naman! Kaya kong gumawa ng masarap na cake." Aniya

"Nah, you're so talented." Komento nito, "Para kanino ang cake?"

"May pagbibigyan ako nito." aniya, kay Kara niya iyon ibibigay, since hindi niya matawagan ang kapatid dahil palaging busy ang phone nito ay ipagpapatuloy muna niya ang pagbibigay ng mga bagay na ikakatuwa nito sa kapatid niya.

Susubukan na lang niyang tawagan muli ang kapatid para sabihin ditong kailangan na nitong umuwi at suyuin ng personal si Kara, iyon na ang tamang panahon para doon.

Nakita niyang inililis ni Vash ang suot na long sleeve pagkuwan ay nagpunta sa lababo at naghugas ng kamay.

"Pwede ba akong makialam?" tanong nito ng makalapit sa kanya, mahina siyang tumawa.

"Basta ba matalino, pakealamero?" tanong niya

"Nah, we're just curious, you know." Sagot nito

Marami kasi itong bagay na gusto rin matutunan at iyon ang napansin niya sa binata, his curiousity was really unbelievable.

"Akala ko sa'kin ang cake na to." Anito, pinindot niya ang ilong nito.

Tumawa siya ng makitang nabahiran ng harina ang matangos nitong ilong.

"Igagawa kita sa special day natin, promise." Aniya, malapit na ang monthsary nila bilang magkasintahan.

"Really?"

"Yes, kahit ilan pang cakes yan, ipagbe-bake kita." Nakangiting sabi niya.

"Malapit na ang birthday mo." paalala nito, nakangiting tumango siya

"Oo, next week na." sagot niya

"Anong gusto mong gift?"

"Ah, I want a big teddy bear, yung kasing laki ni bear brand." Nakatawang sabi niya

Mahinang tumawa ito, "Funny." Anito na pinindot ang ilong niya, ginantihan naman niya ito ng pagkurot sa pisngi.

"Sapat ka na sa'kin bilang regalo." Aniya na may kasama pang kilig.

Nang tingnan niya ito ay sinalubong siya nito ng halik sa mga labi, namiss niya ng sobra ang binata kaya kahit puno ng harina ang kamay niya ay inangkla niya ang mga braso sa leeg nito at tumugon sa mga halik nito.

"I love you." He said under his breath

"I love you too." Aniya

Naglalakad si Vash patungo sa kanyang sasakyan, maaga siyang uuwi para paghandaan ang mahalagang araw na iyon sa buhay niya.

Mahalaga iyon para sa kanila ni Zab, it's their monthsary, isang buwan na silang magkasintahan ng dalaga at masayang masaya siya.

Kailangan niyang pumunta sa host club para humingi ng tulong sa mga kaibigan, gusto niyang maging espesyal ang gabing iyon.

Pasakay na siya sa kanyang sasakyan nang may humarang sa daraanan niya, kunot noong tiningnan niya si Kara.

"What do you want?" he asked her coldly

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon