CHAPTER TWENTY ONE

1.7K 37 2
                                    

Makalipas ang isang linggo, tuluyan ng gumaling ang flash burn ni Zab sa kanyang mga mata, salamat sa tulong ng gwapong doktor niya, ang pinakamamahal niyang kasintahan.

Napangiti siya, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sila na nga ng masungit na binata, ngayon ay malaya na nilang nailalabas ang totoong nararamdaman nila sa isa't isa, umaapaw ang kaligayahan ni Zab dahil nararamdaman na niya ang mga pag aalala ni Vash, ang pagmamahal nito.

Simula nang maging magnobyo sila ay madalas na silang lumabas para kumain sa restaurant, mapa dinner date, lunch date or breakfast date pa iyon.

She can now feel his love, hindi rin nakakaligtaan ng binata na bigyan siya ng kung anu-anong sorpresa at mga simpleng bagay, but she really appreciated what he's doing, lalo niya itong minamahal.

Nang araw na iyon ay napabangon na lamang si Zab dahil sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell, sinulyapan niya ang wall clock, alas diyes palang ng umaga.

Tamad na tamad siyang lumabas ng silid niya, binuksan niya ang pinto subalit wala siyang nakitang tao.

Magsasalubong na lamang ang kilay niya dahil sinira ng kung sinong sira ulong tao ang kanyang pagtulog pero napalis iyon bigla ng makuha ang atensyon niya sa bagay na nasa paanan niya.

Napangiti siya at dinampot ang basket of flowers, sinulyapan muna niya ang kabilang unit, tiyak niyang nakaalis na ang binata para pumasok sa hospital. Binasa niya ang card na nasa basket.

Hi my BEAUTIFUL black Lady

Good morning! I prepared your breakfast, I put it in your bedside table.

Oh by the way, you're so beautiful even snorting. I love you.

Vash

Ganon na lamang ang paghalakhak niya sa endearment na ginamit ng binata, capslock kung copslock ang beautiful, madalas na crazy ang itawag nito noon sa kanya kasunod ng black lady, ganon pa man namula ang pisngi niya ng matapos basahin ang maikling message nito sa kanya, hindi niya namalayan na nakapasok pala ang binata sa silid niya. nakita nga kaya niya ang paghilik ko? Crap! nakakahiya.

Sinara niya ang pinto at nagtungo sa silid niya, nakita nga niya doon ang tray na may lamang pagkain.

Geez, you're so sweet Vash.

Nakakita rin siya doon ng maliit na sulat na nakaipit sa baso ng gatas, nakangiting inabot iyon at binasa.

I'll court you forever.

She bit her lower lip, to the highest level ang kilig na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, ipinatong niya sa tabi ng tray ang basket of flowers na binigay ng binata pagkuwan ay nayakap niya ang sarili at nahiga sa kama.

"And I will love you forever, my four-eyed prince." Nakangiting sabi niya habang nasa isip ang nobyo.

Sinundan ni Kara ng tingin ang delivery boy na may hawak na boquet of roses na papasok ng opisina ni Vash, patungo siya sa binata para yayain itong mag lunch sa araw na iyon, saglit siyang tumigil at hinintay ang paglabas muli ng delivery boy.

Maya maya nga lang ay bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki, hinarang niya ito at nagsalita.

"Kanino galing ang mga bulaklak?" curious na tanong niya dito

"Ah, inorder po ni doktor Carreon." Sagot nito, nagulat naman siya, first time lang niya nakitang umorder ang binata ng bulaklak, sa tanang buhay niya na nakasama at nakilala ito, wala pa itong napagbibigyan ng bulaklak.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon