CHAPTER FOUR

1.7K 48 2
                                    


Mula sa kinatatayuan ni Zab ay nakatingalang pinagmamasdan niya ang eroplanong unti unting lumilipad paitaas, palagi niyang iniisip noon na wala na sigurong maihihiling ang kaptid niya, nandito na ang lahat pero nagkamali siya.

Doon lang niya nakitang nalungkot ito kaya naman gagawin niya ang lahat para matulungan ito. Sinabi niya dito ang ideya niya bago ito umalis kanina.

Nang mawala na sa paningin niya ang eroplano ay ipinasya niyang umalis na sa airport, nagtungo siya sa parking area kung nasaan ang naiwang sasakyan ng kapatid niya.

Marunong siyang magdrive at may sarili rin naman siyang sasakyan, iniwanan nga lang niya nang magtungo roon dahil ibinilin nitong magcommute na lamang siya dahil sa pag uwi naman niya ay dala niya ang sasakyan nito.

Umuwi muna siya sa bahay niya upang kunin ang mga gamit niya pati na rin si Miku, ang alaga niyang puting pusa.

Alas sais nang gabi nakarating sa condo unit si Zab, dumaan pa siya sa Happiness bar ni Sky dahil nag usap pa sila nito tungkol sa pagiging acoustic performer niya sa lounge bar nito.

Weekends ang schedule niya sa Happiness bar, hindi rin kasi niya kayang iwanan ang Black chic, ang girl group band niya. May regular gig show din kasi ang banda nila sa isang bar and restaurant sa Laguna, kahit na once a week lang ang schedule nila sa resto bar ay madalas na nagsasama sama sila para sa rehearsal nila, iyon na rin ang bonding time nilang magkakabanda.

Nagtungo siya sa guest room ng unit, mabuti na lamang at dalawa ang silid doon na sinadya yata ng kapatid niya para sa kanya.

Ipinatong na muna niya sa ibabaw ng kama ang ilang traveling bag pagkuwan ay naupo sa gilid ng kama, kahit papaano ay namiss niyang mahiga sa malambot na kamang iyon.

Limang buwan na rin simula nang tumira siya doon ng ilang buwan.

Maya maya ay nakaramdam siya ng pagkagutom, tumayo siya at nagtungo sa kusina, binuksan niya ang fridge at napangiti.

Mahal na mahal talaga siya nito, punong puno ng laman ang fridge, parang ayaw nitong magutom siya.

"Nah, I love you bro!" anas niya.

"Doc, nasa line po si Doc. Javier." Sabi ng assistant ni Vash, nasa opisina siya ng Carreon General Hospital, ang private hospital na pagmamay ari ng pamilya niya.

His name is Vash Carreon, half Taiwanese-half Filipino, and an Optalmologist. He studied General Medicine too so he was a physician at the same time.

His father was a Cardiologist while his mother was an Obstetrician. His two sisters were doctors too, Vina, second to the eldest was a Plastic Surgeon while Vianna, his youngest sister was a Dentist.

Nanggaling siya sa pamilya nang mga doctors kaya hindi nakakapagtakang mayroon silang sariling hospital.

Hindi magtatagal ay siya na ang susunod na presidente ng Carreon General Hospital, matagal nang gustong magretiro ng kanyang ama dahil sa edad nito.

Inayos muna ni Vash ang salamin na medyo bumaba sa tungki ng kanyang ilong dahil sa matagal na pagkakayuko sa laptop na gamit niya.

Inangat niya ang telepono at kaagad na narinig niya ang tinig ng babaeng nasa linya.

"Hello Vash." Anito, hinimas niya ang batok niya dahil doon lang niya naramdaman ang pangangalay niyon.

"Hey Kara, what's up?" he asked the woman, hindi man niya nakikita alam niyang nakangiti ang babae ng mga sandaling iyon. She was the happiest person he ever met, palagi itong positibo sa lahat ng bagay kaya palagi itong nakangiti.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon