CHAPTER ONE

2.2K 49 1
                                    

"Ano bang ginagawa mo?" Narinig ni Zab na tanong ng kaibigang si Anniza, nakatapat siya sa laptop niya, isang buwan na ang nakakaraan simula nang umuwi siya sa Pilipinas galing sa Taiwan.

Hating gabi na pero hindi pa siya natutulog, naku-curious ito sa ginagawa niya kaya naman saglit na itinigil niya ang pagdownload ng video sa youtube.

"Wala to." Nakangiting sabi niya na isinara ang laptop, nahihiya siyang sabihin sa kaibigan niya na hahanapin niya ang lalaking iyon na nakilala niya sa Shin Feng station sa Taiwan, ang lalaking bagaman nakasuot ng makapal na salamin ay nag uumapaw pa rin ang karisma, ang lalaking nagpatibok sa pihikan niyang puso, ang masasabi niyang nakapasa bilang dream guy niya.

Ia-upload niya sa youtube ang video ng lalaki na lihim niyang kinunan noon, hahanapin niya ito.

Ilang araw na kasi siyang hindi pinatatahimik ng isip at puso niya, her mind haunted that stranger man.

Pagkatapos ay ano?

Hindi ko na siya pakakawalan pa, minsan lang tumibok ang puso niya, that four-eyed guy she fell in love with, He will be mine.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong nito sa kanya, nakita niyang may hawak itong baso ng mainit na gatas.

"Matutulog na rin ako." Aniya, walang gig ang Black Chic kaya naroon siya sa bahay.

"Okay, mauuna na ako sa'yo. Maaga pa ang pasok ko bukas." Anito, nagulat siya ng ibigay nito ang gatas sa kanya, "Pinagtimpla kita para kahit papaano ay makaramdam ka ng antok." Nakangiting sabi nito pagkuwan ay naglakad na papasok sa silid nito.

Mabilis na binuksan muli niya ang laptop at ipinagpatuloy ang ginagawa, maya maya pa ay naupload na niya ang video, binigyan niya iyon ng title bilang Searching for My Four-Eyed Prince.

Nakangiting inabot niya ang gatas, hinipan muna iyon saka ininom.

"I'm excited to see him again." Bulong niya

Bahagya siyang nagulat nang tumunog ang cellphone niya, magkasunod na nakarecieve siya ng text messages.

Binuksan niya ang cellphone at nakita niya ang dalawang magkaibang sender.

Una niyang binuksan ang message ni Ian, his text says 'Zab, Malapit nang matapos ang vacation ko, next week ay may flight na ulit ako, I know this is too much to ask but can you take care of my unit for a while?"

Awhile? Gaano kaya katagal ang awhile na yun? Naisip niya.

Naiiling na napabuntong hininga siya, hindi na bago sa kanya ang pakiusap nito, gagawin na naman siyang house caretaker ng lalaking iyon, Ian was her brother but not biologically, magkasing edad lang sila nito pero parang tunay na magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa.

She was adopted by the concovar family, galing siya sa isang bahay ampunan noon at pitong taon siya ng ampunin ng mga magulang ni Ian.

Her poster family gave her so much love and understanding, kaya naman napakaswerte niya dahil ang mga ito ang nakaampon sa kanya.

Kamusta na kaya si Jecang at Tikoy? Bigla ay sumingit sa alaala niya ang mga matatalik niyang kaibigan sa bahay ampunan. Sana ay nasa mabubuting pamilya din sila.

Muli niyang binasa ang text ni Ian.

Isang private pilot plane si Ian ng isang mayamang business tycoon, madalas na wala ito sa condominium unit nito dahil madalas din nasa biyahe ang kapatid, palagi itong nasa iba't ibang bansa dahil malimit na magbusiness trip ang mayaman nitong boss.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon