CHAPTER SEVEN

1.7K 47 0
                                    

Isang masigabong palakpakan ang tinamo ni Zab nang matapos ang final set nang performance niya, tuwang tuwa naman siya nang maramdaman niyang gustong gusto siya nang mga costumers ng bar ni Sky.

Nagtungo siya sa backstage, pakiramdam niya ay kailangan niya nang isang baso ng hard drink para mawala ang pagkaantok niya, magko-commute pa siya pauwi, color coding kasi ang sasakyan niya.

Nagtungo siya sa bar counter para humingi ng isang whiskey sa bartender, hindi niya pinansin ang kumpulan ng mga kalalakihan na nakaupo sa mataas na stool, nakatalikod naman sa kanya ang mga nakatayong lalaki, tiyak niyang magkakaibigan ang mga ito.

Palapit pa lang siya ay naririnig na niya ang asaran at tawanan ng mga ito, hindi niya napigilang mapangiti, namiss tuloy niya ang mga kaibigan niya.

Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita kita, silang dalawa lang ni Anniza ang madalas na magkasama at nagkakausap.

Humanap siya nang kaunting space para makalapit sa bartender, nang makakita siya ay sumingit siya doon at nagsalita.

"Can I have one glass of whiskey please?" aniya sa bartender na naroon.

Nagulat siya nang sabay sabay na napatingin sa kanya ang grupo ng kalalakihan na nagkakasiyahan, natigil din ang tawanan ng mga ito.

Zab can't believe that she was staring at a group of beautiful men, wala yata siyang nakitang mali sa gwapong mukha ng mga ito, a bunch of stunning creatures.

Bigla ay nailang siya at bahagyang napaatras, bigla ring nagpalpitate ang puso niya nang mamukhaan pa niya ang isang pamilyar na lalaki, malapit lang ito sa kanya kaya kitang kita niya ang pagkunot ng noo nito kahit na medyo dim ang ilaw sa loob ng bar.

"Y-you?" anas niya na itinuro pa ang binata, gulat na napatingin ang mga ito sa binata at nagtatanong ang mga mata.

Inayos ng binata ang salamin at malalim na nagbuntong hininga, pakiramdam niya ay hindi nito gusto ang presensya niya.

"Zab.." a voice said while tapping her shoulder, nang sulyapan niya ay nakita niya ang nakangiting lalaki.

"Sky." Aniya na tila nakahinga ng maluwag.

"Kevin, give her one glass of whiskey." Baling nito sa isang bartender, kumilos naman kaagad ang tauhan nito.

"What a nice performace, mukhang maraming nakagusto sa pagkanta mo." puri nito sa kanya.

"Thanks." Tipid na sagot niya, sinulyapan muli niya ang four-eyed prince niya at nakita niyang hindi na ito nakatingin sa kanya, ganon na lamang ang kalungkutan niya.

Inagaw muli ni Sky ang atensyon niya nang iabot sa kanya ang baso ng whiskey.

"Salamat." Nakangiting sabi niya kay Sky

"They were my friends." ani Sky na tinuro ang mga gwapong lalaki, maang na napatingin naman siya sa mga ito.

Kung hindi siya nagkakamali, ang mga kaibigan ni Sky ay miyembro ng sikat na Flower Boys Host Club.

And her prince was a member of the said club?! For real?!

Bigla ay naalala niya si Violet knight, iyong isang member ng host club na nagpatibok din ng puso niya, hindi kaya ang four-eyed prince niya at si violet knight ay iisa? Kaya ba pamilyar sa kanya ang features nito, ang tangkad at pangangatawan nito dahil ito ang sinisinta niya?

Posible naman..dahil parehong suplado ang dalawa.

Oh my God! Bigla din niyang naalala iyong sandaling kinakausap niya ang human stand nito, iyon kaya ang dahilan kaya ayaw nito sa kanya, kaya lalong masungit ito sa kanya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon