CHAPTER NINE

1.7K 45 1
                                    

"Nakapasok siya sa lugar ng leon." Bulong niya, nakatapat siya sa unit ni Vash, ang suplado at masungit niyang kapitbahay.

Kumatok si Zab sa pinto subalit walang maririnig na tugon mula sa loob ng bahay, nagdalawang isip pa siya kung papasok ba siya o hindi pero sa huli ay napagtanto niyang dahan dahan siyang pumapasok sa loob ng unit ng binata.

Inilibot niya ang mga mata sa buong bahay, napakaganda ng bahay nito, nakapaganda ng ambiance, the things was in the right places, magaganda rin ang mga paintings na nakasabit sa dingding nito pati na rin ang mga figurines na nakapatong sa isang modern style na divider.

Ilang sandali pa siyang humanga sa ganda ng bahay ng binata hanggang sa maisip niyang wala na siyang oras para pagmasdan pa ang mga magagandang bagay sa loob ng bahay nito, kailangan na niyang hanapin si Miku.

Humalukipkip siya at hinanap ang footprints ng alagang pusa, hindi naman siya nahirapan, may isang direksyong pinuntahan ang pusa niya.

Napanganga si Zab nang dalhin siya sa kusina ng pagsunod niya sa bakas ng paa ni Miku, nakita niya ang nabasag na bowl sa sahig, tumapon ang laman niyon, nagkalat sa kulay itim na marmol ang ilang chicken lollipop, may ilang nakain na ng pusa niya dahil sa naiwang mga buto ng manok.

"Lagot!" nakangiwing sabi niya, kaagad na hinanap niya si Miku sa paligid, "Miku, nasaan ka?" kausap niya sa alaga.

Subalit mukhang wala na roon ang pusa niya, hinanap muli niya ang bakas ng paa nito at dahil itim ang sahig sa bahay ng binata ay nakita kaagad niya ang footprints nito, may direksyon itong pinuntahan.

Sinundan naman niya iyon at dinala siya niyon sa isang malamig na silid, kung hindi siya nagkakamali sigurado siyang bedroom iyon. Humalukipkip siya at paggapang na sinundan ang mga paa ni Miku.

"Miku...Miku.." mahinang pagtawag niya sa pusa niya, baka nasa paligid lang ang binata at marinig siya nito.

"Meow, ming ming ming..." tawag pa ulit niya, sinundan niya ang bakas ng mga paa nito sa ilalim ng kama, "Miku..."

Nakita naman niya ang pusa, prente na itong nakahiga roon.

"Miku?! Anong ginagawa mo diyan? Anong feeling mo bahay mo to?" Pigil na sabi niya habang sinesermunan ang alaga, isang ungot lang ang sinagot nito.

"Shhh..h'wag kang maingay, baka marinig ka niya, pareho tayong malilintikan." Kausap pa niya sa pusa, muling umungot ang pusa.

"Naku....halika na dito..Miku.." mangiyak ngiyak na niyang wika, nag aalala siyang makita siya ng binata, dumukwang siya sa ilalim ng kama at pilit na inaabot ang alagang pusa, eksaktong naabot na niya ang buntot ni Miku nang makarinig ng tinig sa likuran niya.

"What are you doing?" a serious voice said behind her

Parang na-trapped sa malalim na buslo si Zab nang marinig niya ang malagong tinig na iyon, kahit boses pa lang nito ay iba na ang naging dulot sa damdamin niya, her heart pounding hard.

"Who are you and what are you doing in my unit?" he asked in serious tone

Sunod sunod siyang napalunok, nakadapa pa rin siya habang nakatalikod dito, I'm dead now! Anong gagawin ko?

She bit her lower lip, dahan dahan siyang lumingon dito at akmang magsasalita nang kusang lumaglag ang panga niya nang makita niya ang binata sa harap niya.

Lalo yatang naging triple ang tibok ng puso niya nang madagdagan ng kung anong damdamin ang sistema niya, pagnanasa...tama! Iyon ang tamang term sa dumagdag sa nararamdaman niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon