CHAPTER SIX

1.7K 44 0
                                    

"Oh hi!" masayang bati niya sa lalaki kahit na magkasalubong ang mga kilay nito, walang ideya si Zab kung bakit naroon ang lalaki.

Hindi kaya hihingi ito ng sorry sa kanya dahil sa mga sinabi nito kagabi sa kanya? O baka naman magpapakilala na ito ng maayos dahil their feelings are mutual, gusto rin siya nito.

Hindi niya napigilang lumuwang ang pagkakangiti, OMG! Heaven!

She secretly filled her lungs with air, naghahanda na siyang kiligin ng bongga.

"Could you turn off your music?" malamig ang tonong sabi nito

Para namang gumuhong kastilyong buhangin ang pag asa niya, nawala ang excitement niya at napalitan nang disappointment.

"Iyon lang ba?" tanong niya, nag aasam nang iba pang sasabihin nito, nakita niyang nagpantay ang mga kilay nito.

"Inistorbo mo ang pagtulog ko at hindi iyon maliit na bagay." May inis na sa tinig nito

Para naman siyang naluging tindera sa palengke dahil sa sinabi nito, wala pa rin talaga siyang pag asa dito.

Nang wala itong marinig na sagot sa kanya ay tuloy tuloy itong pumasok sa loob ng bahay, nagulat siya sa ginawa nito.

"Anong gagawin mo?" takang tanong niya, hindi ito umimik, nagtuloy ito sa silid niya kung saan nanggagaling ang maingay na tugtog.

Kitang kita niya ang pagngiwi nito nang sumalubong sa kanila ang malakas na growling voice ni Lacey Sturm, ang lead vocalist ng Flyleaf.

Lumapit ito sa mp3 player niya, walang anumang hinugot nito ang sasakyan at tumingin sa kanya.

"Musika pa bang maitatawag ang pagsigaw nang ganon? They're just creating noise pollution." Iritadong komento nito, napalabi siya.

"Iyon na ang uso ngayon atsaka may ibig sabihin ang lahat ng kanta nila." Pagdepensa niya sa idolo niya.

"Tsk, I don't care, I just want to sleep in quite place." inis na sabi nito

Bakit ba ang supla-suplado mo?

"Gusto mo pala ng quiet place, di sana sa sementeryo ka natulog." Bulong niya na humangga naman sa pandinig nito.

Hindi ito nagreact subalit masamang tingin naman ang ibinigay nito sa kanya, mangali ngaling sabunutan niya ang sarili dahil sa maling sinabi, bad shot ka na naman Zab, paano ka magugustuhan ng four-eyed prince mo? sermon niya sa sarili.

"Nagbibiro lang ako." Nakangiting bawi niya

"Tsss." He said then turned his back and took his leave.

Sinundan naman niya ang binata, nasa may sala na sila nang magsalita siya.

"Baka gusto mong magkape, ipagtitimpla kita." Aniya, "Masarap akong magtimpla ng kape, heaven..pramis!" aniya pa, hindi siya nito nilingon..ay wa epek!

"Ah! Baka gusto mong kumain ng kanin, ipagluluto kita ng fried rice, mayroon din akong ham and hotdogs sa loob ng fridge, gusto mo?" wika pa rin niya, wala pa rin itong imik, ay hindi talaga epektib!

Nasa may pintuan na ito nang muli siyang magsalita.

"Baka gusto mo ng cake, cookies, cupcakes? Mayroon din ako sa fridge." Aniya

Tumigil ito at inis na lumingon sa kanya.

"All I want is to sleep." His tone was bored.

Ganon na lamang ang paglugo ng balikat niya, lumabas na ito ng unit, sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa tumapat ito sa sarili nitong unit.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon