CHAPTER ELEVEN

1.7K 43 1
                                    

Sa Carreon General Hospital, dumaan muna si Vash sa opisina ni Kara, may importante siyang sasabihin dito.

Naabutan naman niyang naroon si Trevor habang kausap nito ang babae, nakangiting tumingin ang mga ito sa kanya.

"Vash, mukhang late ka ngayon." Ani Kara

"Yeah, na late ako ng gising." Pagsisinungaling niya, nagreact naman si Trevor sa sinabi niya.

"Nah, ikaw? Male-late ng gising, imposible." Komento nito, naiiling na nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.

"Well sige na nga, naipit sa trapik kaya ako nalate." Natatawang sabi niya, nagkibit balikat na lamang si Trevor na halatang hindi kumbinsido sa alibi niya.

"Himala yata at napapadaan ka na ng madalas sa hospital." Saad naman niya, napaungol ito.

"Nah, napilitan nga lang ako, sinamahan ko si Allie para magpacheck up, napadaan lang ako dito sa office ni Kara." Sagot nito, si Allie Jhoy ay ang nakababatang kapatid nito, ang wardrobe designer ni Kaizer.

"Nasaan si Johanne?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang asawa ni Allie.

"Nasa Ilo-ilo, may project siya doon." Anito

"Ah okay, napilitan ka tuloy magpunta sa pinakaaayaw mong lugar." Biro niya

"Yeah, pero wala akong magagawa, walang kasama si Allie, malapit na rin siyang manganak." Ani Trevor

Allie was seven and half months pregnant, kaya delikado na rito ang umalis na mag isa.

"I understand." Aniya, binalingan niya ang babae na seryosong nakatingin na sa kanya, Kara was Trev's cousin, magkapatid ang mga nanay ng mga ito.

Nilapitan niya ito at iniabot ang isang white folder.

"Dad needs the report next week." He said, iyon lang sana ang sasabihin niya sa babae, paalis na rin sana siya ng mapansin niya ang desk table nito, may nakita siyang boquet of flowers, box of cake and chocolates.

"Hmm..nice, magaling pumili ang admirer mo." komento niya, dahil 20/20 ang vision ng mga mata niya kapag suot niya ang makapal niyang salamin ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang card na nasa ibabaw ng kahon ng cake, Christian Concovar..hindi pamilyar sa kanya ang pangalan ng admirer ni Kara, natitiyak niyang wala sa mga doktor o nurses ng hospital na iyon ang may ganong pangalan.

Well, anyway it's good to see that Kara have an admirer. Aniya sa sarili

Maganda si Kara, sa katunayan maraming nagkakagusto dito kahit noong nasa kolehiyo pa sila nito, kaklase niya ito noong freshman at madalas din na magka-seat mate sila sa classroom noon kaya madalas na nagkakausap sila nito noon, nakilala din niya ito ng lubusan dahil kay Trevor. Laman din ng host club noon sa university ang babae, ito rin ang malaking mag tip sa kanya noon bilang host guy nito. Wala naman silang ibang ginagawa kundi magkwentuhan ng tungkol sa mga librong nababasa nila, doon niya ito lalong naging kaibigan dahil mahilig din itong magbasa ng libro.

Dahil madalas silang magkasama noon ay napagkakamalang may relasyon sila ng mga nakakakita sa kanila, But Kara was just a friend for him or even a sister she had.

Tumingin siya sa babae nang magsalita ito

"Yesterday lang nagpaparamdam si Ian sa'kin." Nakangiti na ito.

"Ian? Who's Ian?" nakisabad na tanong ni Trevor

"Christian Concovar, a pilot plane and a handsome bachelor." Kara said, she's still looking at him, nanatiling nakikinig lang siya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon