CHAPTER TWELVE

1.7K 46 0
                                    

Maingat na hinaplos ni Vash ang batok, kailangan yata niyang magpamasahe, maghapon siyang abala sa trabaho, sunod sunod ang eye operation niya ng araw na iyon.

Palibhasa ay miyembro din siya ng I-lab Foundation, ang mismong ama niya ang founder ng nasabing foundation.

Maraming mahihirap ang libreng nao-operahan ang mga mata, may libreng check up din sa hospital nila, at twice a month ang schedule na iyon.

Malalim na nagbuntong hininga siya, gustong gusto na niyang magpahinga.

Pagkabukas ng elevator sa floor kung nasaan ang unit niya ay tumambad sa kanyang mga mata ang pamilyar na puting pusa, nakaupo ito sa gitna ng hallway habang dinidilaan ang buntot nito.

Hindi niya alam kung bakit nilapitan niya ang pusa.

"Hello." Kausap niya dito, napansin naman siya kaagad nito at tila nakilala rin siya, napangiti siya ng lapitan siya nito at ikiniskis ang katawan sa paanan niya.

Umuungot pa ito ng damputin niya, sinulyapan niya kung anong kasarian ng hayop, babae ang puting pusa.

"Oh, little kitty, why are you here?" he asked the cat as if she's a human being.

Tuwang tuwa siya sa pusa dahil napakalambing nito, karga na niya ito habang naglalakad.

"Did you eat already?" nakangiting kausap pa rin niya dito habang hinahaplos niya ang ulo nito, tila gustong gusto naman nitong hinahaplos ang ulo nito.

Bigla ay naalala niya ang meat buns na ibinigay sa kanya ng isang pasyente niya, may ari ng bakery ang matandang babae na inoperahan niya kanina sa mata dahil sa katarata nito.

Tumigil siya at ibinaba niya ang pusa, binuksan niya ang supot na hawak niya at kumuha ng isang meat bun.

"Here, kitty..eat this.." nakangiting sabi niya, tila tuwang tuwa naman ang pusa sa ibinigay niya, pinakain niya ang pusa at dahil tuwang tuwa siya ay hindi niya namalayan na nasa gitna siya ng hallway.

"Good girl, kitty." Aniya pa habang hinahaplos ang ulo ng pusa, tuwang tuwa siyang pinagmasdan ang pagkain nito ng tinapay.

Tuloy parang nawala bigla ang pagod niya dahil sa katuwaan dito.

Zab stunned and surprise when she saw the man in the middle of the hallway with her white cat, it was a beautiful sight, nakahalukipkip at nakangiti si Vash habang tuwang tuwa nitong hinahaplos ang ulo ni Miku, pinagmamasdan nito ang pagkain ng pusa niya.

At miminsan lang niyang nakitang nakangiti ang binata, bigla ay naalala niya ang litratong iyon..kung saan kinakausap niya ang human stand nito at nasa likuran niya ang binata habang may ngiti sa mga labi, she smiled at the reminisce.

Ngumingiti pala ito, iyon nga lang sa tuwing walang nakakakita pero masuwerte siya dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na makita ang mga ngiting iyon ngayon.

Ilang saglit pa niyang tinitigan ang binata bago niya inagaw ang atensyon nito

"Ahemm..." She cleared her throat

Kitang kita naman niya kung paano nagulat ang binata, tila nagising ito sa isang panaginip at bigla na lamang napabalikwas.

Hindi niya napigilan ang pagtawa ng mawalan ito ng balanse ng subukan nitong tumayo, natumba ito at napaupo na ng tuluyan sa marmol na sahig.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa ng lapitan niya ang binata, inilahad niya ang kamay pagkuwan ay nagsalita.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong niya sa pagitan ng pagtawa

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon