CHAPTER THIRTEEN

1.7K 38 0
                                    

Kalalabas lang ng condominium si Vash, nasa parking area na siya at naglalakad na siya patungo sa kanyang sasakyan para pumasok sa hospital, kahit weekend ay pumasok pa rin siya tutal ay wala naman siyang gagawin, walang hosting event sa host club since ang araw na iyon ang activity ng buong host men, as usual, nagmatigas siya, hindi siya sumama.

Hinding hindi naman talaga siya sasama sa mga ito, kahit anong mangyari.

Nagulat si Vash nang may tumigil na itim na van sa harap niya, hindi siya kaagad nakahuma ng bumukas ang pinto niyon at bago pa siya nakakilos ay nahila na siya papasok ng dalawang lalaki.

Sa bilis ng mga pangyayari ay napagtanto na lamang niya na nasa loob siya ng sasakyan at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga nakangising kaibigan.

"Eh di nakumpleto rin tayo." Nakangising sabi ni Hunter.

"Ang galing mo talagang magplano Xien." Ani Trevor

"Yeah, eksakto sa mga pinagplanuhan, walang sablay." Komento naman ni Reed na nasa unahan ng sasakyan

"Sa ganitong paraan lang natin mabibitbit si Vash, naglalaan siya ng thirty minutes para sa pagpasok sa trabaho, may ugali siyang absent minded kapag naglalakad na, mas mataas ang porsyento na nakakapagmuni muni lang siya kapag kumikilos na ang buong katawan niya, bumabagal ang mga reflex action niya kapag naistorbo bigla ang pag iisip niya." nakangiting paliwanag ni Xien, hindi pa rin makapag react si Vash sa mga kaibigan. And he can't believe that Xien knows him well.

"Ibig sabihin madaling makidnap itong si Vash?" manghang tanong ni Jared, tumango si Xien.

"Kaya nga mabilis natin siyang naipasok sa sasakyan." Tumatawang sagot ni Xien

"Ibang klase talaga ang detective natin." Ani Yuan na siyang nagda-drive ng van.

"Napag aralan mo lahat iyon, Xien? Ang galing! Bilib na bilib na talaga ako sa'yo." Namamangha namang sabi ni Kaizer, nagkibit balikat lang si Xien.

"This is exciting." Komento naman ni Einar, "Gustong gusto ko ng magsky dive." Anito pa, sa narinig ay doon lang nagsalita si Vash, he wants to panic but he remain calm ang compose, ayaw niyang ipahalata sa mga ito ang totoong nararamdaman niya.

"Stop the car." Sabi niya, narinig niya ang tawanan ng mga kaibigan niya.

"No no Vash, hindi magiging masaya ang bonding natin kung hindi tayo kumpleto." Ani Xien na nasa tabi lang niya

"Marami akong gagawin sa hospital." Katwiran niya

"Pinagpaalam ka na namin kay uncle, pumayag siya since weekends at rest day mo naman daw." Ani Yuan habang nagmamaneho

Nag isip naman siya ng ibang paraan para itigil ng mga ito ang sasakyan subalit hindi na niya nagawa pang mag isip nang marinig niya ang tinig ni Sky na nasa likuran ng Van.

"Okay ka lang ba diyan Zab?" narinig niyang sabi ni Sky, kahit pinigilan niya ang sarili niyang sulyapan ang likurang bahagi niya ay awtomatiko pa ring lumingon ang ulo niya.

"Yeah, medyo inaantok lang ako dahil wala akong tulog." Sagot ni Zab na nasa mukha rin ang pagkaantok, nang sumulyap sa kanya ang babae ay mabilis na binawi niya ang tingin.

"Hi Vash! Excited ka na rin ba sa date natin dalawa?" may himig pilyang sabi ng babae, nakita niya ang kakaibang ngitian ng mga kaibigan niya.

Inayos niya ang salamin dahil nararamdaman niya ang unti unting pag iinit ng pisngi niya, kailangan niyang maging cool sa harap ng mga ito.

"Tsk, date is out of my system." Sagot niya na hindi tumitingin sa babae.

"Iyon ba ang utos ng isip mo?" tanong muli nito, bahagya siyang natigilan kaya hindi kaagad siya nakasagot.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon