TYLER POV
"Hoy ADAM, ano ba talaga ang plano mo dito sa Pilipinas?".
Punong-puno ang bibig nito ng cheetos kaya napangiwi ako sa nakita kahit kelan wala talaga siyang POISE sa katawan.
"Yuck Sands! Maging babae ka naman and FYI don't call me by my second name aaaaarrrgghh super ewwww ". Saway ko.
"Hahaha bakit ba? Eh si ADAM ka naman talaga, feelingerang EBA".
Sinamaan ko nga ng tingin. Atribidang tomboy to hmp.
"Alam mo Tyler hindi din magtatagal ay malalaman din ni Kuya Einstein at ng family mo ang tinatago mo sinasabi ko sayo!".
"Sandy!".
"What?? I'm just stating the fact here!". Inirapan ko nga.
Lumapit ito sa'kin at inakbayan ako kaya magkatabi na kami ngayon sa sofa dito sa condo ko.
"Sabihin mo na kasi... kesa mabisto ka".
"Gaga! Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko, kadiri!".
Pero tinawanan lang ako ng baliw kong bestfriend.
Yes, bestfriend ko ang sira-ulong pasaway na kapatid ni Ate Sunny.
"Eh kung halikan kaya kita diyan!".
"Subukan mo at masabunutan kita Sands!". Ready pa naman ako manabunot.
"Hmp! Mahaderang 'to! Isumbong kita kay Kuya Einstein eh!".
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at napabuntong hininga na lang.
"Haaay... Hindi ko na talaga alam kung anong pagtatago pa ang gagawin ko para lang hindi mahuli nila Kuya ginawa na nga kitang girlfriend para lang mapaniwala sila kahit diring-diri ako kaloka!".
"Wow, grabe ah.. Same here bakla diring-diri din ako! Pasalamat ka at sinakyan ko ang trip mo!".
"Sands hirap ng ganito...paano na lang kung ipagkasundo tayo nila Mom eh di naloka na talaga!".
Knowing mom... God...sumasakit ang ulo ko.
Ang akala nilang lahat matinong lalake ako pero ang hindi nila alam...
Bakla ako, bading, jokla, sirena, feeling babae ganern kaya paano na?
Sinubukan ko naman pigilan 'to nong highschool pa ako pero WALEY lumabas pa din ang totoong kulay ko. 😭😭😭
Supposedly sa South Korea dapat ako magtatapos ng college pero hindi ko na talaga kaya ang pagtatago ng identity ko don tapos wala pang Sandy kaya nasakal ako ng bongga buti na lang at napakiusapan ni Kuya Einstein si Mother Witch na ibalik na lang ako ng Pilipinas nagdahilan nga lang ako kay Kuya para lang makauwi ako dito huhu.
And yes, sa ngayon ay si Sandy lang talaga ang nag-iisa kong kakampi at siya lang din ang nakakaalam sa totoong ako.
"Sabihin mo na kasi nang matapos na ang problema mo".
"Hindi mo kasi naiintindihan Sands, they expected too much from me kita mo naman kung gaano sila katuwa sa achievements ni Kuya Einstein ayoko namang...ma-disappoint sila sa'kin". Napa-face palm ako.
"Pero Tyler hangga't hindi mo nasasabi sa kanila ay hinding-hindi ka talaga magiging masaya". Malungkot na turan nito.
Tama si Sandy pero hindi pa talaga ako handa na ibunyag sa pamilya ko ang sikreto ko na alam kong ikakadismaya nilang lahat. Yung sikreto ko ay parang isang nuclear bomb na tatapos sa buhay ng pamilya ko omg.
BINABASA MO ANG
My Dream GUY is a GAY [On-Hold]
Подростковая литератураNa-LOVE at FIRST SIGHT ako sa lalakeng kakatransfer sa school namin. Siya ay MATIPUNO, GWAPO, MATANGKAD at mukhang MATALINO din! Yun nga lang... Abot North Pole ang pagka-DISMAYA ko nang malamang... Ang DREAM GUY ko ay isa palang GAY??? Isa siyang B...