Nakakainis! Kanina pa ako hindi makapag-concentrate sa pagdudrawing ang lalandi kasi ng mga hinayupak kong kaibigan! Ginawa ba namang Luneta ang school lounge ng Yonhwa? Haru jusko naiirita ako ano ba aaarrrrgh... ><
"Hoy Janna ok ka lang?". At ngayon pa talaga nila napansin na nag-eexist pa ako dito kung maglandian sila akalain mong walang estudyanteng nagko-concentrate maging isang butihing mag-aaral ng eskwelahan na 'to. Geez. Oh I'm pertaining to myself!
"Sa tingin mo huh Cheska?". Sarcastic na sagot ko sabay bato na naman ng papel sa malapit na trashcan.
Sabay-sabay na nagtawanan naman ang mga butihing kaibigan ko. Hindi ko alam kung pinuntahan lang nila ako dito para mang-inggit o ano. Basta ang alam ko lang iniistorbo nila ako dito.
"Sus bitter ka na naman? Sinabi na namin sayo di ba na maghanap ka na ng boyfriend? Arte mo kasi". Sumimangot ako sa walang kwentang suggestion ni Cheska.
"Babe, alam mo namang may standards yang si Janna kaya hayaan mo na". Sabi naman ni Josh na boyfriend ni Cheska na nasa tabi niya.
"Hay naku Janna alam mo yang standards na yan sa huli ay madisismaya ka lang sinasabi ko sayo!". Epal ni Candy na kaibigan ko rin.
"Haha I agree with Candy! Kasi naman Janna hindi ka talaga makakahanap ng boyfriend nang dahil sa standards mo na yan!".- Windy
Langyang mga kaibigan 'to.
"Wow huh napunta sa standards ko ang topic dito! Ang galing!". Sarcastic na tugon ko sa mga ever-supportive friends ko.
Seriously? Walang araw na hindi magiging topic ang tungkol sa standards ko.
At yung sinasabi nilang standards ay tungkol sa DREAM GUY ko.
Yep since I was a kid nag-set na ako ng standards sa magiging boyfriend ko masyado akong advance I know.
"Sagutin mo na kasi si Hans!".
"Not my type". Simpleng sagot ko kay Janine na namimilit na sagutin ko yung manliligaw ko.
"Bahala ka kaya wag ka ng magreklamo kung ang tatamis namin dito!". Nagsitawanan ulit ang mga kaibigan ko sa sinabing yun ni Cheska at nag-apiran pa sila.
"Whatever". I rolled my eyes at tumayo na sa kinauupuan ko masyado na nila akong pinagkakatuwaan dito tss.
"Hey, sa'n ka pupunta?".-Cheska
"Nakakahiya naman kasi sa inyo". Nilayasan ko na nga sila don minsan talaga ay nakakainis na sila gets niyo? Yung mga biro na paulit-ulit na lang? Nakakairita na din kaya!
Inis na nagmartsa ako sa pathway. Who you talaga ang mga kaibigan kong yun kung magkaroon na akong BOYFRIEND! Huh! Humanda sila dahil sila na naman ang iinggitin ko! Kaya sana dumating na si Prince Charming! Nasa'n na ba kasi yun? Ang tagal makausad sa traffic ng EDSA!
"I'm sorry miss".
Pinulot ko ang mga libro kong nagkalat sa sahig at tinulungan naman ako nong nakabangga ko.
Kasi naman! Tingin-tingin din pag may time Janna! Kung anu-ano kasi iniisip haaaiiist...
Kinuha ko na ang huling libro sa sahig pero pareho namin 'tong hinawakan nakaramdam naman ako ng kung anong kuryente nang magtama ang mga kamay namin. Weird.
BINABASA MO ANG
My Dream GUY is a GAY [On-Hold]
Fiksi RemajaNa-LOVE at FIRST SIGHT ako sa lalakeng kakatransfer sa school namin. Siya ay MATIPUNO, GWAPO, MATANGKAD at mukhang MATALINO din! Yun nga lang... Abot North Pole ang pagka-DISMAYA ko nang malamang... Ang DREAM GUY ko ay isa palang GAY??? Isa siyang B...