Tyler POV
"Silver akala ko ba sa susunod na linggo ka pa papasok dito sa Yonhwa?".
Nagkaroon din ako ng pagkakataon na kausapin na si Silver matapos ang huling subject namin ngayong umaga. Kanya-kanya ng nagsialisan ang mga kaklase namin para sa lunchbreak hanggang sa kami na lang dalawa ni Silver ang naiwan sa classroom. Hindi ko mapigilan na magtaka sapagkat nag-usap kami kahapon na sa susunod na linggo pa siya papasok dito sa Yonhwa. Ilang taon din kaming hindi nagkita ni Silver kababata at kapitbahay ko siya. Namalagi siya sa Canada ng limang taon 2nd year highschool kami non nang sabihan niya ako na don na muna raw niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Umalis siya at naiwan ako sa dating eskwelahan namin hanggang sa nakilala ko ang grupo nila Josh.
Noon pa man may kakaibang nararamdaman na ako para kay Silver. Siya ang una kong bestfriend at naglaon ay una ko ding pag-ibig.
Ang tanging nakakaalam lang sa pagtingin ko kay Silver ay si Sandy. At ngayon na nagbalik na siya dito sa Pilipinas ay labis ko 'tong ikinatuwa.
"Ewan napag-isip ko na lang kagabi na excited na akong pumasok sa eskwelahan na 'to".
Ngiting-ngiti itong sumagot na may tila inaalala.
"Kelan ka pa naging excited pumasok ng eskwelahan? Bago yan ah anong nakain mo don sa Canada at bigla ka na lang sipagin sa pag-aaral?".
Kilalang-kilala ko si Silver. Simula't sapol halos lahat na tungkol sa kanya alam ko. Sabay kaming lumaki kaya ni isang beses hindi nagawang magsinungaling ni Silver sa'kin kasi gagawin pa lang niya nabibisto ko na.
Natawa naman ng marahan si Silver sa sinabi ko at nagsalita ulit.
"Alam mo yun? Yun bang excited ka ng pumasok kasi may nagpapaganda na ng araw mo".
Kunot-noong tiningnan ko siya.
"Haiiist ...Slow mo naman bestfriend! Kaya pala hanggang ngayon wala ka paring girlfriend eh syempre gumagawa ako ng hakbang sa babaeng yun!".
Alam ni Silver na pawang palabas lang ang pagpapanggap na girlfriend ko si Sandy ng matahimik ang mga pamilya namin sa kakapilit sa aming dalawa na pumasok sa isang relasyon pero hindi niya alam na may kanya-kanya kaming dahilan ni Sandy kung bakit pinili naming magpanggap na kami.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Silver. May ideya na ako sa tinutukoy niya pero ayaw tanggapin ng sistema ko na si Janna ang nagugustuhan niya dito sa Yonhwa.
"Si Janna... Gusto ko siya pre..Kahapon ko pa lang naman siya nakilala pero hindi na siya maalis sa isip ko".
Aray. Kulang pa ba ang sakit na dinulot niya sakin kanina at ipagngalandakan pa niya na nahihibang na siya sa babaeng yun?
Oo maganda si Janna...matalino ... at BABAE! Ako naman patagong BINABAE :(
Oo nga naman. Ba't pa ako magtataka? Kumpara sa akin mas may chansa si Janna kay Silver. Eh ako??
Hanggang lihim na lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya...takot akong layuan ni Silver gaya ng ginawa nila Josh noon.
Pero masakit pa din isipin at napakahirap tanggapin na may minamahal ng iba ang matagal mo ng minamahal. Yun bang maibubulong mo na lang sa hangin kung ba't ang unfair ng mundo? Kelan lang naman sila nagkakakilala pero agad siyang napansin ng lalakeng matagal ko ng pinangarap.
BINABASA MO ANG
My Dream GUY is a GAY [On-Hold]
Teen FictionNa-LOVE at FIRST SIGHT ako sa lalakeng kakatransfer sa school namin. Siya ay MATIPUNO, GWAPO, MATANGKAD at mukhang MATALINO din! Yun nga lang... Abot North Pole ang pagka-DISMAYA ko nang malamang... Ang DREAM GUY ko ay isa palang GAY??? Isa siyang B...