👊🏻Chapter 6 Silver is HERE

129 5 4
                                    

Janna Pov

Kaloka to the highest level 'til now hindi pa din ako makaget-over sa natuklasan kagabi like OMG lang?? Si TYLER ay isang GAY pala?? Hindi ma-take ng braincells ko ang nalaman huhu.

By the way highway, nandito na ako ngayon sa school at kasalukuyang naglalakad sa pathway pero yung utak ko ay naiwan pa kahapon kasi naman eh! Hindi talaga ako makapaniwala na isang EBA na nagtatago sa katawan ni ADAN ang kinahuhumalingan kong lalake sa Yonhwa.

Naisip ko tuloy.. Alam kaya ni Sandymonyo na pusong babae ang boyfriend niya?

Malamang hindi! Gosh ano kaya ang magiging reaksyon ng bruhang yun kapag malaman niyang beki ang jowa niya? Eh ako nga na si assumera muntik ng mawala sa katinuan langya talaga minsan na nga lang ako mahuhulog sa lalake sablay pa! Este lagapak swak bongga!

"Janna kulang ka ba sa tulog girl?". Pang-eechos ni Cheska sa tabi ko masyado na sigurong halata ang pagmumukha ko sa araw na 'to.

Tanong ko lang, ano kaya ang itsura ko ngayon? For sure, mukha akong natatae na ewan.

"Kaloka 'tong si Janna ilang araw na din siyang ganyan, yung palaging nag-i..i...space..outer space? Ganon ba yun??". Napakamot pa sa ulo si Janine na tila hindi sigurado sa sinabi niya.

Parehong napa-roll eyes sina Cheska at Windy habang parehong nakapameywang.

"SPACE OUT! GAGA!".

Napatakip ako ng tenga ng sabay-sabay na sinagot ni Cheska at Windy si Janine.

"Yun nga! Hehe sensya SPACE OUT pala... Naku Janna madalas ka ng nagkakaganyan!". Patuloy ni Janine sa gusto niyang ipunto kanina sa'kin.

"Tama, ano bang nangyayari sayo Janna? May problema ka ba?". Mapanuring mga mata ang nakatuon ngayon sa direksyon ko nang dahil sa tanong ni Cheska.

Pare-pareho kaming napahinto sa paglalakad dito sa pathway.

Napabuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong nila.

"Mukhang maniniwala na ako sa chismis ng jowa mo Cheska". Sabi ko.

Mukhang naguluhan ito sa sinabi ko pero maya-maya lang ay napapatango siya na tila may naalala sa isip niya.

"So, totoo nga?". -Cheska

Unti-unti akong tumango sa tanong niya wala din namang saysay kung itatago ko sa mga kaibigan ko ang nalaman and besides hindi naman lingid sa kaalaman nila na may chismis na beki 'tong si Tyler.

"Confirmed friend kalahi natin ang dream guy ko".

"Teka, ano ba este sino ba ang pinag-uusapan niyong dalawa? Sino ba ang sinasabi niyong dream guy mo Janna?". Shungang tanong ni Janine pero hindi din nagtagal ay may ideyang sumulpot sa utak niya.

Napatutop pa ito ng bibig niya na animo'y gulat na gulat ganon din naman si Windy na nasa tabi nito.

"Si Tyler?? Si Tyler ba ang tinutukoy niyo??". Mahinang bulalas ni Janine.

Pareho kaming tumango ni Cheska.

"Paano mo naman nasabing totoo yung chismis nila Josh Janna?". Paninigurado ni Windy.

My Dream GUY is a GAY [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon