Janna Pov
Mabuti na lang at umentra ulit si Sir Anton kaya bumalik sa normal ang takbo dito sa classroom. Nagsimula na siyang magklase kaya sa awa ni Lord hindi na ako ginulo pa ni Silver sa tabi ko,
or NOT.
Hindi na nga siya umiimik pero nakatitig naman ito sa akin the entire 3 subjects this morning kaya hindi tuloy ako makapag-concentrate sa klase pambihirang buhay 'to.
Yung katabi ko naman sa kaliwa nananahimik din naman pero for sure abala na yan sa kakaisip kung paano niya makalbo ang buhok ko. Huhu Lord naman eh hindi ko pinangarap na maging karibal si Tyler ok!? Siya mismo ang pinangarap ko! Ano ba 'tong nangyayare??
"Ang haba ng buhok mo girl, anong shampoo ang gamit mo?". Nang-aasar na bungad nila Cheska at magkasabay pa silang nagtawanan sa harap ko.
Sinamaan ko nga sila ng tingin.
Nandito kami ngayon sa school canteen at nakabusangot ang mukha ko habang kumakain ikaw ba naman ang pagtitinginan ng mga estudyante mabuti sana kung nagagandahan sila sayo kaso ang mga tingin nila sa'kin ay gusto akong saksakin ng buhay malamang pinagchichismisan na ng buong Yonhwa ang nangyaring eksena sa classroom sa gwapo ba naman ni Silver syempre sikat na agad siya kahit isa palang siyang newbie.
"Janna hoy..". Mahinang bulong nila Cheska sa'kin pero hindi ko pinansin.
Kumagat na lang ako ng burger at nilunok ito ng bongga naloloka ako sa mga pangyayari sa araw na'to seryoso.
"Janna..". Mukhang ewan ang mga kaibigan ko na ngumunguso, problema ng mga 'to?
I rolled my eyes.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain na akalain mong isang linggong hindi nakakain. Binuhos ko na lang sa pagkain ang mga frustrations ko.
Ewan pero bigla atang natahimik ang buong canteen?
Kumunot ang noo ko nang hindi na rin nagsalita ang mga kaibigan ko na kanina lang ay parang walang katapusan kung mang-asar.
"Janna".
Nalaglag ang burger na hawak ko nang marinig ang boses niya.
Shet malagkit. Kilalang-kilala ko ang boses na yan.
Kahit kinakabahan ay lumingon pa din ako sa likuran at hindi nga ako nagkamali.
Si Tyler...
Napalunok ako ng laway.
Bakit siya nandito?
Kakalbuhin niya na ba ako?
o di kaya'y pagsasampalin hanggang sa mamaga ang mukha ko?
WAAAAAAAAAAAAAAAA
"Ty--Tyler!". Sa sobrang kaba ko ay naisigaw ko pa ang pangalan niya. Tutok na tutok din ang mga estudyante sa pwesto namin at parang naghihintay lang kung anong mangyayare.
At ang mas lalong ikinagulat ko ay bigla niya na lang akong ikinaladkad palabas ng canteen. Rinig na rinig ko pa ang pagsinghap ng mga estudyante habang sinusundan kami ng tingin.
"Go inside". Malamig na sabi ni Tyler gusto ko mang tumakas pero natatakot ako at baka mas lalo siyang magalit sa'kin.
Pumasok na din siya sa driver's seat at pinaandar na niya ang kotse paalis ng Yonhwa.
Hindi ako umimik buong byahe natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Parang may mali talaga sa pakikitungo ngayon ni Tyler sa'kin. Hindi ko man mabasa ang mga iniisip niya pero ramdam ko ang galit na awra niya kaya ilang beses akong napalunok sa inuupuan ko.
BINABASA MO ANG
My Dream GUY is a GAY [On-Hold]
Novela JuvenilNa-LOVE at FIRST SIGHT ako sa lalakeng kakatransfer sa school namin. Siya ay MATIPUNO, GWAPO, MATANGKAD at mukhang MATALINO din! Yun nga lang... Abot North Pole ang pagka-DISMAYA ko nang malamang... Ang DREAM GUY ko ay isa palang GAY??? Isa siyang B...