??Chapter 4 Getting Closer, EX-Friends, and Unexpected Encounter

87 4 0
                                    

Janna Pov

Kahit saang angulo siya tingnan wala talaga akong nakikitang bakas ng kabaklaan tapos kung kumilos naman si Tyler ay lalake talaga.

Nantitrip lang talaga yung si Josh at Cheska!

"May dumi ba sa mukha ko Janna?".

"Wa-wala".

Grabe Janna, you're drooling over him! Kahiya ka!

"Hehe napansin ko lang na ang gwapo niyo talagang magkapatid".

"You know Kuya Einstein?".

Tumango ako.

"Of course, ang sikat kaya ng Kuya mo".

"Kunsabagay..kahit sa'n naman ata kami magpunta may nakakakilala sa kanya daig pa nga niya ang artista sa kasikatan". Natatawang sabi ni Tyler.

Ang gwapo talaga tumawa uso din pala ang tawa with poise sa mga lalake. Langya, bakit ako kapag tumawa nagmumukhang killer? Hmp. Unfair.

"Tindi ng lahi niyo eh!".

Tumawa ulit si Tyler.

Mas lalong nakaka-inlove ang lalakeng 'to pambihira.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano ni Tyler tungkol sa buhay niya nong highschool pa siya at sa Korea at masasabi kong medyo close na kami hehe kung hindi ako assumera ok?

Pero tingin ko naman hindi siya magkukwento sa'kin kung ayaw niyang mapalapit sa'kin right? At ang sabi niya interesting ako hihi.

"It's time. Let's go?". Sabi ni Tyler kaya pareho na kaming tumayo sa inuupuan namin.

Pagdating naman namin ng classroom ay nag-iingay pa ang mga kaklase ko dahil wala pang teacher sa 2nd subject namin.

Umupo na kami ni Tyler sa assigned seats namin at siniko naman ako ni Cheska.

Problema ng isang 'to?

"Sa'n kayo galing?". Bulong ni Cheska sa tabi ko.

"Sa labas malamang.. kasi pinalayas kami ni Ms. Minerva tss".

Pinandilatan ako ng tingin ni Cheska. Kaloka makikisagap ata 'to ng chismiss masyadong halata sa pagmumukha niya haha.

"Pilosopa sa'n nga?".

"Sa canteen lang".

"Grabe pinanindigan mo na talaga ang panlalandi kay Tyler ah!".

"Hindi ah..nakikipagkaibigan lang kaya ako".

"Sus mukha mo".

Hindi ko na pinansin pa si Cheska nong pumasok na ang prof namin sa 2nd subject.

Napatingin ako sa gawi ni Tyler at saktong napatingin din ito sa'kin and for the nth time today ay ngumiti na naman siya sa'kin. Geez...

It's LUNCHTIME.

Tumayo na kami ni Cheska at inayos na ang mga gamit namin sa bag.

"Sasabay ba ngayon sila Josh?".

"Yup".

My Dream GUY is a GAY [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon