Janna Pov
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng mga kaibigan ko tungkol kay Sandy hanggang sa matapos ang panghuling subject sa araw na 'to.
Ano ba kasi ang kayang gawin ng Sandy Chua na yun at tinakot ako ng sobra nila Cheska?
"Yes, Sands I'm coming".
Narinig ko na kausap ni Tyler sa girlfriend niyang demonyita through phonecall.
"Alright, see you".
Patay-malisya na inaayos ko na lang ang mga gamit ko pabalik sa bag.
Ang saya-saya ata ni Tyler? Baka may date sila...
"Janna I'm going first, see you tomorrow!". Nakangiting paalam nito sakin bago umalis ng classroom.
Napasimangot na lang ako nang hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya nang dahil sa pagmamadali niya.
"Ano 'to?". Mahinang sambit ko.
Nahulog ata 'to ni Tyler.
Hmm...
Pinulot ko ang isang wallet sized picture.
"Janna, tara!". -Cheska
"Si Tyler! Naiwan niya!". Sabi ko at nagmadaling lumabas ng classroom nang hindi man lang pinakinggan ang mga kaibigan ko.
Kelangan kong ibalik kay Tyler 'to.
Hindi pa naman ata siya nakalabas ng Yonhwa.
Nagtatakbo ako sa school corridors at pilit na maabutan si Tyler at tamang-tama lang dahil nakita ko siya sa parking lot na kakabukas lang ng kotse niya nang mahagip ng mga mata ko sila Josh na papunta sa gawi niya.
Teka, bakit nila nilalapitan si Tyler???
Napahinto ako sa pagtakbo at nagtago sa isang nakaparadang kotse hindi malayo sa pwesto nila.
Anong ginagawa nila Josh?
Nagtatakang tiningnan ko sila Josh hanggang sa makalapit ito kay Tyler.
"Tyler".
Lumingon si Tyler at naiwan sa ere ang kamay niya na siyang magbubukas sana ng pintuan ng kotse niya.
"Josh?".
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Paanong...kilala niya si Josh?
"Marky? Dwayne?".
Mas lalo pa akong nagulat nang kilala din ni Tyler sina Marky at Dwayne.
Ok...I smell something fishy here...
Alam kong mali ang makinig ng usapan ng iba pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kilala nila ang isa't-isa.
And then... Naalala ko ang nangyari kaninang lunch na akalain mong nakakakita ng multo sila Josh nang makita si Tyler. Seriously? May something talaga! And oh! Yung chismis ni Cheska nong isang araw na dating ka-TROPA ni Josh si Ty-TYLER!
Wait....
OMG!!! BAKIT HINDI KO NGA NAISIP NA KILALA NGA NILA ANG ISA'T-ISA???
Kinatok ko ang ulo ngayon ko pa napagtanto ang mga nangyari kanina.
"Ang akala namin sa Korea ka na magtatapos, anong nangyari?". Simula ni Josh na nakangisi pa.
"It's none of your business Josh".
Tinalikuran sila ni Tyler at akmang bubuksan ulit ang pintuan ng kotse niya nang pigilan siya ni Josh.

BINABASA MO ANG
My Dream GUY is a GAY [On-Hold]
أدب المراهقينNa-LOVE at FIRST SIGHT ako sa lalakeng kakatransfer sa school namin. Siya ay MATIPUNO, GWAPO, MATANGKAD at mukhang MATALINO din! Yun nga lang... Abot North Pole ang pagka-DISMAYA ko nang malamang... Ang DREAM GUY ko ay isa palang GAY??? Isa siyang B...