👊🏻Chapter 10 Untold Secret

11 0 0
                                    

Janna POV

"Nababaliw ka na ba talaga Tyler?!". Nilapitan agad siya ng girlfriend niya nang makita ang pagdurugo ng kamay nito. Totoong napalakas nga ata ang suntok niya sa manyak na yun kaya naghihysterical na ngayon ang girlfriend niya at kunot-noong napatingin sa'kin.

"Ang tagal mo kaya sa cr ayan tuloy napasubo pa ako sa babaeng 'to!". Napangiwi na lang ako sa naging reaksyon ni Tyler kasi sa paningin ko ay baklang-bakla niya itong sinabi pero mukhang hindi naman nahalata ni Sandymonyita ang kalambutan ng boyfriend niya.

Haaaaay.... Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig bulag-bulagan lang te?.

"What the hell are you doing here?". Pinandilatan ako ng tingin ni Sandy na kulang na lang ay susugurin niya na ako at gagawin niya ang sinabi ni Tyler na uubusin ang buhok ko sa mismong kinatatayuan ko.

"Cut it out Sandy wag mo na siyang tarayan kasi lasing naman yan". Sinaway naman siya ni Tyler na nakaramdam ata sa pangagalati ng girlfriend niya.

"I can't believe that you did something crazy earlier just for this looser! Goodness Tyler Adam Lee!". She gritted her teeth in anger.

"He just saved me from that jerk Sandy there's no need to be jealous kung yan ang ipinuputok ng butchi mo". Sabi ko.
Nakakainis ang babaeng 'to demonyita talaga gusto niya atang hinayaan na lang ako kanina ni Tyler na magahasa nong bwisit na manyak na yun.

"You bitch, what did you just say to me??". Kulang na lang ay tubuan siya ng pangil para tuluyan na niya akong lapain sa sobrang galit niya. Hinawakan naman agad ni Tyler ang braso niya para pigilan ang girlfriend niya na sugurin ako.

"Haaaaiiist... Kota na ako sa dramang 'to. Can we just all go home?". Naiinis na wika ni Tyler at pagod na tiningnan kami pareho ni Sandy.

"We're not done yet bitch. Pasalamat ka lasing ka". Napipilitang sabi ni Sandy na pinagbigyan naman ang pakiusap ng boyfriend niya.

"Ikaw naman, ihahatid ka na namin at karga ka pa ng konsensya namin kung may mangyari na namang masama sayo". Magrereact pa sana ako sa idineklara niya pero muli itong nagsalita.

"If you're declining then NOPE. Baka isipin pa ni Silver na wala kaming kwentang kaibigan dahil pinabayaan ka lang namin dito". Giit nito.

Wala na akong nagawa but to roll my eyes. I can't believe na masasali pa rin sa usapan namin ang one great love niya sa gabing 'to.

Nagsimula na silang maglakad kaya sinundan ko na ang dalawa ngunit bumalik ata ang kalasingan ko ngayong kumikilos na ako. Pasuray-suray ang lakad ko idagdag pa ang lintek na heels ko at matatapilok talaga ako any second.

Kainis ang mag syota na yun hindi man lang naisip na tulungan ako sa paglalakad. Heller? Sila pa kaya ang nagsabing lasing ako.

"You're so mabagal!". Maarteng reklamo ni Sandymonyita. Sarap batuhin ng heels ang pagmumukha niya. Malamang sa malamang mabagal talaga akong maglakad dahil nga lasing ako. May kabobohan din pala ang isang 'to.

Lumapit naman sa gawi ko si Tyler na ready na atang magtatalak sa kabagalan ko ngunit taliwas sa naisip ko ang ginawa niya dahil bigla niya na lang akong binuhat na parang isang sako. Oo binuhat niya ako ng SAKO STYLE hindi BRIDAL STYLE. Bwisit. >_<

-------------------

"Are you sure ihahatid mo pa yan sa kanila? Nasa hulog pa ba yan para matandaan ang bahay nila?".

"Ihahatid ko ang babaeng 'to alangan namang sa condo ko 'to idiretso?".

Naririnig ko na nag-uusap ang mag jowa sa front seat ng sasakyan pero sa kalasingan ko ay hindi ko na masyadong naiintindihan ang pinag-usapan nila. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagsara ng pintuan ng kotse at muli na itong umandar. Nandito pa rin ako sa backseat na nakahiga at hilong-hilo ako pambihira.

My Dream GUY is a GAY [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon