👊🏻 Chapter 9 Save My Broken Heart

25 2 2
                                    

"Make me like you and save me from pain Janna"...

It's almost a whisper pero dinig na dinig ko ang bawat salitang binitawan ni Tyler na nagdulot sa'kin ng kakaibang kaba na ngayon ko pa naramdaman sa tanang buhay ko.

Teka... Nagha-hallucinate ba ako? Totoo bang si Tyler 'tong nasa harap ko?

"Hey, are you ok?".

Nabalik ako sa wisyo nang magsalita ulit si Tyler.

Gosh. Si Tyler nga talaga ito at hindi ako nagha-hallucinate lang!

Napaatras ako nang dahil sa sobrang pagkabigla.

"I'm sorry..nabigla ba kita?".

Sobra jusko!

"Tt-Tyler..hindi kita maintindihan..". Naguguluhang saad ko.

"Binibigyan kita ng chance na mapa-ibig mo Janna".

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing yun ni Tyler. Hindi ko maunawaan at bigla siyang nagkaganyan.

Siguro akalain niyong natutuwa ako sa sinasabi niya sa mga oras na 'to pero sa halip na magtatalon sa saya at magtitili sa kilig ....GALIT ang nararamdaman ko. Oo nagagalit ako!

"Tyler ganyan ka ba kagalit sa'kin para sabihin mo yan??". Pakiramdam ko konti na lang at iiyak na naman ako sa harapan niya.

"What are you saying Janna?".

"What am I saying?... For heaven's sake Tyler gusto mong i-take advantage ang feelings ko para sayo dahil natatakot kang agawin ko SIYA?? Tama ako di ba?? Ang sama-sama mo!".

Pinahiran ko ang iilang luha na lumabas sa mga mata ko. Naiinis at nagagalit ako sa kanya! I can't believe na plano niyang gamitin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Wag mo na akong susundan". Nagbabantang sabi ko at iniwan siyang nakatulala sa kinatatayuan niya.

Ayoko na sayo Tyler Adam Lee. Tandaan mo yan! Wala kang kwenta. Nagkamali ako hindi ikaw ang DREAM GUY ko!

Tyler Pov

I watch her retreating back.

God. I just did stupidity.

Hindi ko sinasadya na sabihin yun kay Janna probably sa sobrang selos ko ng dahil naririndi na ako sa pangalan niyang bukambibig na lang palagi ni Silver kaya naisip ko ang planong yun. Tama siya, napakalaki kong gaga para isiping gamitin ang feelings niya.

"Gaga ka, Anong kabaliwhan ba yung narinig ko Adam?".

Napalingon ako sa likuran at nakita si Sandy na nakakunot-noo habang tinitingnan ako.

Shit. Narinig niya?

"Oo narinig ko Tyler. Ang gaga mo alam mo ba yun?".

I bit my lip ngayong nakita at narinig ni Sandy ang kagagahan ko ay mas lalo ko lang naramdaman ang konsensya.

"Bestfriend kita, please lang naman Tyler kalimutan mo na lang ang feelings mo kay Silver. Alam ko kung gaano mo siya kagusto pero pareho din nating alam na hinding-hindi siya magkakagusto sayo na higit pa sa pagkakaibigan niyong dalawa...Hindi ko gusto ang nakita ko kanina. I'm not siding that bitch but she's right..hindi tamang gamitin mo ang feelings niya para sayo. That's so desperate girl muntik na akong masuka sa pinagsasabi mo kanina like duhh.... Willing ka pang isugal ang pagkababae mo para lang kay Silver?".

My Dream GUY is a GAY [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon