UNEXPEDTED chapter 6

875 13 0
                                    

CHAPTER 6

Emman's POV

"Emman can I ask your help?" nasa kusina si Jin oppa ngayon, siya nanaman nagluluto.

"sure" pumunta naman ako sakanya. Hindi ko alam ang tawag sa niluluto niya eh basta maraming beef pero may malapot na sabaw.

"can you put this in the bowl and prepare the table? I'll just fry the chicken" sabi niya saken. Ginawa ko naman ang inutos niya. Maya maya pinatawag na niya ang iba.

pumunta naman ako sa sala at tinawag ang iba. Yung iba na nasa kwarto pinatawag ko kay Jong, di naman kasi ako pumupunta ng rooms nila.

Nakaupo na ako sa same pwesto, nasanay na ako eh haha umupo na din sa same pwesto ang iba.

"uuyy tumatabi hihihi" sabi ni Suga oppa kay Jimin. Bigla namang tumayo si Jimin sa upuan niya na nasa tabi ko tapos pumunta kay V.

"V ako nalang dyan, palit tayo." Nakikipalitan ata siya upuan kasi pinapatayo niya si V.

"Oh sige hahaha" sabi ni V at lumipat sa tabi ko. Umupo naman dun si Jimin. Anong nangyayare?

"Uyyy humaharap. Mas maganda talaga view dyan Jimin hahaha" sabi ni Jin oppa at ang lakas ng tawa niya. Yumuko naman si Jimin na parang natatawa pero naka frown.

"hyung san nyo ko gusto umupo?" Jimin

"sa sala haha joke" sabi ni V at nag peace sign

"guys, I cant understand what you're saying, I'm getting out of place." sabi ko

"they're just teasing Jimin hyung hehe let's just eat, hayaan mo na sila" sabi ni Jong saken.

kumain nalang din ako. Ako na naghugas ng pinagkainan kahit ayaw nila.

----

Jimin's POV

"yah Jiminah, tulungan mo naman dun si Emman, ang daming hugasin kaya" sabi ni Namjoon hyung

"ayoko hyung, nang aasar kayo eh" sabi ko. Nakakainis kasi sila, baka mahalata ni Emmanuel eh.

"ano ka ba, normal lang mang asar noh. Ano gusto mo hindi ka na lalapit sakanya? Sino lugi? kami ba?" may point naman si Hobi hyung.

"sige na Jiminie, gusto mo ako nalang tutulong para may moment kami? kekeke" asar saken ni V. Binato ko naman siya ng pillow sabay tayo ko at punta sa kusina. Narinig ko naman sila na naghihiyawan. Mga baliw tlaga.

"Emmanuel I'll help you" sabi ko. Act normal Jimin, pareho lang ng dati.

"ha? oh ok, the soap is mine, you rinse it with water" ngumiti siya saken. Dito, dito ako nahulog eh. Bat ba kasi ang ganda niya?

naghuhugas na ako ng mga sinabon niya. Medyo marami rami nga talaga kasi pati ang ginamit sa pag luto huhugasan pa.

"aayy!" bigla syang napasigaw, sa sobrang bilis niya kasi mag sabon ng baso, tumalsik ang bula sa muka niya. Tumawa naman siya nung natalsikan siya. Anong gagawin ko? wait lang kinakabahan ako eh.

"let me" sabi ko. Since wala namang sabon kamay ko, pinunasan ko yung sabon na tumalsik sa malapit sa mata niya.

"wwiiihihihihihihi!" pareho kami napa lingon, si V nakita naming tumatawa tapos sabay takbo papuntang sala.

"DUMADAMOVES SI JIMINIE!!" rinig kong sigaw niya. Narinig din namin ang ingay ng iba.

"what did he say?" sabi ni Emman sakin

"nothing, dont mind him" at nag continue na kami mag hugas.

"ahm can I ask?" bigla nyang sabi. Natatakot na tuloy ako kapag nagtatanong siya

UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon