CHAPTER 22
JK's POV
susunduin namin ngayon ang parentas ni Emmanie sa airport. Kasama ko si Jimin hyung at Suga hyung
kinakabahan ako sobra, pero mas triple ata kay Jimin hyung
"hyung, kinakabahan ako, baka mag beastmode si tita" sabi ko sakanila
"ano ka ba, wag mo nang dagdagan ang kaba namin, lalo na ni Jimin, di na nga umiimik oh."
simula nung nangyare kay Emmanie. hindi na umiimik si Jimin hyung. Isang tanong at isang sagot nalang din siya.
naghintay pa kami ng ilang minuto, maya maya dumating na sila.
"Tita!!" sigaw ko
"ikaw na ba yan Jeongguk?" sabi ni tita saken
"opo tita" sabi ko at nag mano sakanila
pina mano ko din sina hyung
"hello tita and tito, I'm Park Jimin, Emmanuel's boyfriend"
tumango naman at ngumiti sina tita. Matagal na nilang alam na may boyfriend na si Emmanie, malamang tumatawag din si Emmanie sakanila eh.
"where's my daughter?" sabi ni tito kay Jimin hyung
"she's in the hospital, we'll take you to her"
tumango ulit sila at umalis na kami.
si Jimin hyung ang nag dadrive ng kotse, katabi niya si Suga hyung, ako naman ang katabi nina tita sa likod.
"ano ba ang nangyare Jeongguk?" tanong ni tita
"sa totoo po tita, hindi namin alam, hindi rin sinasabi ni Emmanie kung ano ba talaga ang nangyare sakanya. Nasa trabaho kasi po kami non, tapos siya pala eh umalis ng dorm para mag mall." sabi ko
"mga artista kayo ano?" sabi ni tito
"opo, K-pop idols po kami tito. Kumakanta at sumasayaw"
"sino daw ang mga bumugbok sakanya?"
"pinapahanap pa po namin sa mga pulis. Ang sabi lang ni Emmanie eh limang babae raw po."
"mga babae?? ngayon lang ako nakarinig na babae ang mga bumubugbog. Anong rason nila para saktan ang Emmanuel ko? jusko"
hindi namin pwedeng sabihin sakanila kung ano ang hinihinala namin kung bakit ginawa nila yun kay Emmanie. Pero alam nyo naman na din diba?
"hindi po namin alam tita, sana mahuli na ang mga taong yun."
"sana nga haay"
bakas ang lungkot at pag aalala kay tita.
----
Emman's POV
kasama ko ngayon sina Jin oppa, Namjoon oppa, Hobi oppa, Taehyung, Jackson oppa at Chae. Sinundo na nina Jong sina mama.
"Emmanuel?" pagkabukas na pagkabukas ng pinto tumakbo agad si mama palapit saken.
"mama" niyakap ako siya at niyakap niya din ako.
"anong nangyare sayo ha?" umiiyak si mama.
"anak, sabi mo walang mangyayareng masama sayo dito? binugbog din ako ng mama mo eh."
natawa naman ako kay papa. Ganyan si papa, tinuturing akong lalaki kasi gusto niyang malakas ako at matapang.
sinimangutan naman siya ni mama.
"ok lang ako papa, mama."
"anong ok lang? plastic na ang balat ng kamay mo. Hindi na original, pangit na."

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED
FanfictionEmmanuel Ferrer, a Filipina girl born in the year 1995, ang nais niya lang ay makita ulit ang bestfriend niyang 10yrs nang hindi nakakasama.Ang buong plano niya lang ay ang makaexperience ng new things, and she did. Friendship, Family, Adventure...