CHAPTER 19
V's POV
ano kayang problema nung dalawang yun? kanina pa walang imik, at di rin nag papansinan?
nakatingin ako kay Emman na naka upo sa may dining table na kumakain ng noodles katapat si JK na naka phone. Tapos si Jimin naman nasa sala kumakain din ng noodles, pero bat hindi siya dun sa tabi ni Emman?
matanong nga. Umupo ako sa tabi ni Jimin.
"hoy" siniko ko siya, muntik na matapon yung noodles.
"ano ba?? mainit to oh" sabi niya
"sorry, pwede magtanong?" sabi ko
"kung itatanong mo kung bat hindi kami magkatabi at naguusap, Ewan ang sagot ko."
"anong ewan? nag ganyan lang kayo pagkauwi nyo kagabi ah"
"ewan ko, wala namang masama sa mga sinabi ko kagabi, di ko alam kung bat di niya ako pinapansin"
"ano ba sabi mo?"
"eh kasi tinatago niya saken mga nagyayare sakanya, pati ata totoong emotions niya. Boyfriend niya ako diba? pero bat parang hindi siya open saken."
"ganon?"
"hayaan mo nalang muna"
"hindi mo kakausapin man lang? hahayaan mo nalang na ganyan kayo?"
"kanina ko pa siya nilalapitan pero umiiwas, ano gusto mong gawin ko? aiishh!!!"
pagkasabi niya nun tumayo na siya papuntang kusina at nilagay ang mangkok sa sink tapos dumeretso sa kwarto niya. Ayy!! LQ XD
"anong problema nun?" takang taka ang muka ni Hobi hyung na dinaanan lang ni Jimin kanina.
"LQ"
"jinja? waahh~ di natatapos problema ng love birds natin ah"
"parte na ata yan kapag umibig ka"
"kaya nga wag na muna kayong mag girlfriend, hayaan na muna natin si Jimin haha" sabi naman ni Suga hyung na nakikinig pala samin, kala ko tulog eh. Nakahiga kasi siya sa isa pang sofa at nakatakip ang muka.
----
Emman's POV
kumakain ako ng noodles sa dining table kasama si Jong. Hindi kami nagpapansinan ni Jimin, actually hindi ko siya pinapansin kahit na nilalapitan niya ako. Eh kasiii, nung una inis ako dahil nga medyo parang pressured ako, pero ngayon nahihiya nalang talaga ako kaya di ko siya pinapansin.
bigla siyang dumaan sa likod ko at nilagay sa sink ang ginamit niyang mangkok at chopstick tapos dirediretso lang umalis. 😣 galit na ata siya saken, Emmanuel kasi eh, ayan, nag inarte ka pa. Pano mo yan susuyuin ngayon??
"huy!"
bigla ako napatingin kay Jong na nakaupo sa harap ko at hawak ang phone niya.
"hindi mo padin ba papansinin?"
"ee nahihiya ako eh"
"aigoo~ hayz ayan kasi, nag inarte eh"
oo na Jong, pinagalitan ko na nga sarili ko, wag mo na ulitin.
"tss! oo na nga, hahanap ako tsempo"
"masama magalit si Jimin hyung, hala ka"
ano ba Jong?? di nakakatulong
"shut up pwede? you're not helping"
tinawanan niya lang ako.
*ding dong!*

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED
ФанфикEmmanuel Ferrer, a Filipina girl born in the year 1995, ang nais niya lang ay makita ulit ang bestfriend niyang 10yrs nang hindi nakakasama.Ang buong plano niya lang ay ang makaexperience ng new things, and she did. Friendship, Family, Adventure...