5th Constellation

1.6K 79 5
                                    

NAABUTAN ni Light si Twila na kalalabas lang ng banyo sa loob ng hospital room nito. Nakabihis na ito na parang handa nang umalis. Tumaas ang kilay niya. Itong babae na 'to talaga, mapagsamantala. Por que walang bantay ay aalis na.

Ang sabi ni Adam, nando'n daw si Sky ('yon pala ang pangalan ng basketbolistang 'yon) kanina, nagbabantay. Pero napilitan ding umalis dahil nagwala itong si Twila at pinapaalis nga si Sky.

Dumating naman daw si Miss Marcela, na homeroom teacher nila Sky para magbantay kay Twila (na tinawagan daw ni Sky bago ito umalis) habang hinihintay ang mga magulang ng dalaga. Bumili lang ng pagkain ang guro pero balak na pala itong takasan ni Twila.

"Sa'n ka pupunta? Alam ba ng guardian mo na tatakas ka na?"sita ni Light kay Twila.

Halatang nagulat si Twila sa pagdating niya, pero mabilis naman itong nakabawi. "Anong ginagawa mo rito? How did you know I'm here?"

Namulsa lang si Light habang nakatitig kay Twila.

Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung ano ang ginagawa niya ro'n. Alam niyang nag-press release na siyang mag-re-resign na siya bilang spirit medium o ghost buster o kung anuman ang tawag sa kanya. Pero nang makita niya ang histura ni Adam kanina, hindi na siya nakatanggi sa request nito.

Ngayon lang kasi siya nakakita ng multo na parang umiiyak. Well, lahat naman ng multong nakikita niya ay malungkot, galit, o miserable.

Pero iba ang nakita at naramdam niya kay Adam. Hindi niya alam kung ano eksakto, pero may pakiramdam siya na kailangan niyang tulungan ang multo na 'yon dahil kung hindi, para bang may mangyayari na hindi maganda.

Adam's presence was really strong. Too strong for even a spirit medium like him.

"Hindi mo ba ko narinig, Light?" parang pagod at iritadong tanong ni Twila. "Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito."

Nilingon ni Light si Adam na nakatayo sa tabi niya. Tumango ito. Binalingan niya uli si Twila. "Pinapunta ako ni Adam dito."

Nabitawan ni Twila ang hawak nitong face towel. Nanlalaki ang mga mata nito, halatang nagulat sa sinabi niya. "A-anong sinabi mo?"

"Pinapunta ako ni Adam dito," pag-uulit ni Light sa mas mariin na boses. "May gusto siyang sabihin sa'yo kaya niya ko pinakiusapang puntahan ka."

Nanginig ang mga kamay ni Twila na mabilis nitong pinagsiklop. "Pa'no mo nakilala si Adam? Patay na siya, alam mo ba 'yon?"

"Alam ko. Pero nakikita at nakakausap ko siya."

Tumawa ng pagak si Twila. "Sino sa basketball team ang nag-utos sa'yo nito para makaganti sa ginawa kong pananakot sa kanila? Si Alicia? O baka naman si Sky mismo?"

"Walang nag-utos sa'kin. Nakiusap lang talaga si Adam sa'kin dahil may importante daw siyang message para sa'yo."

"Huwag ako, Light. Iba na lang pag-trip-an mo," mapait na sabi ni Twila, saka pinulot ang face towel bago siya tinalikuran para ayusin ang mga gamit nito.

Tiningnan ni Light si Adam. Bumulong siya, pero alam niyang narinig 'yon ni Twila dahil saglit itong natigilan sa ginagawa. "Sinabi ko naman sa'yong hindi siya basta-basta maniniwala, eh."

"Nababaliw ka na talaga," iiling-iling na sabi naman ni Twila.

Sasagot sana si Light, pero hinawakan siya ni Adam sa balikat dahilan para manayo ang mga balahibo niya dahil sa kakaibang lamig ng presensiya nito. That was the strange thing about him: ghosts could touch him as well. Pagkatapos ay may ibinulong sa kanya ang multo na sinabi niya ng malakas para marinig ni Twila.

Vanilla TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon